
Barko sumadsad sa Batangas
ISANG Cargo vessel ang sumadsad sa katubigang sakop ng Batangas City nitong Miyerkules.
Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard- Southern Tagalog District, galing ang landing craft tank na Golden Bella sa Brooke’s Point sa Palawan patungo sa Manila nang hampasin ito ng malalakas na alon at hanging at napadpad sa mabato at mababaw na bahagi ng karagatan na sakop ngBarangay Ilijan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PCG sa lugar at nailigtas ang 12 tripulante ng cargo vessel.
Bagamat kargado ng 13,456 litro ng diesel at 173 litro ng lube oil ang barko ay wala namang natukoy na oil spill sa lugar.
Ipinadala din sa lugar ang PCG’s Maritime Environment Protection Force and Special Operations Unit sa Southern tagalong upang suriin ang sitwasyon.
Nakipag-ugnayan narin ang PCG sa Harbor Star Shipping Services Incorporated Salvor para sa towing operation sa sumadsad na barko.