Barbie

BARDA FANS, NAGBUBUNYI SA ‘MSKM’

September 1, 2023 Jun Nardo 183 views

NAGBUBUNYI ang BarDa (Barbie-David) fans dahil bidang-bida na ang mga idolo nilang sina Barbie Forteza at David Licauco sa TV adaptation ng classic movie na Maging Sino Ka Man na unang pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Action-romance-comedy ang series na si Enzo Williams ang director.

Nagbida na rin si David sa movies at TV pero hindi masyadong sumabog ang name niya until si Barbie ang nakaromansa niya sa Maria Clara at Ibarra.

Sa MSKM, wala nang Dennis Trillo. Pero kasama pa rin ng BarDa si Juancho Trivinio at ang iba pang senior stars na sina Jean Garcia, Jeric Raval, ER Ejercito at ang fave naming Babae sa Ulog na si Jean Saburit.

Good luck sa BarDa loveteam!

AUTHOR PROFILE