
Barbie: Si Jak na ang ‘the one’
Kung si Barbie Forteza ang tatanungin, ang boyfriend na si Jak Roberto na ang “the one.”
“Wala naman kasi akong ibang hinahanap because like I said, I am very secure with my relationship, so hindi naman ako naghahanap. So, yes, safe to say, he is (the one),” sey ni Barbie nang makatsikahan namin sa mediacon ng Maging Sino Ka Man nila ni David Licauco at mapapanood na sa Sept. 11.
One thing na ipinagmamalaki ni Barbie sa relasyon nila ni Jak ay may tiwala sila at hinahayaan nilang mag-grow ang isa’t isa pagdating sa kani-kanilang karera.
Never daw siyang kinontrol ni Jak pagdating sa trabaho o binawalan sa kissing scene at ganu’n din siya sa boyfriend.
“Because naging magkarelasyon kami na parehas na kaming may pinapangalagaang image and reputation, so naging malinaw sa amin na pagdating sa karera, walang pakialamanan. Pagdating sa trabaho, walang pakialamanan,” pahayag ni Barbie.
“Ako, I know what I want, alam ko kung anong career path ang gusto ko, so alam ko kung anong dapat kong gawin. Hindi ko kailangan ng boyfriend para magsabi sa akin kung anong dapat kong gawin,” she added.
Ang payo niya sa mga kababaihan pagdating sa pakikipagrelasyon, humanap ng partner na mas pinapasaya ka at hindi ka ini-stress.
“Basta dapat ‘yung partner n’yo ay tinutulungan kayong mag-grow into a better person. Dapat ‘yung partner n’yo will serve more as an inspiration more than destruction, ‘di ba?
“Mas pinapasaya ka kesa ini-stress ka at mas tinutulungan kang i-improve ang sarili mo like hindi ka kinakahon or hindi ka pinipigilang gawin kung ano ‘yung gusto mo,” she said.
“Ayaw na natin ng sinasabihan tayo kung anong dapat gawin. Alam na natin ‘yon,” sey pa ng aktres.