Barbie

Barbie, ipinagluluto ni Jak sa bahay

February 20, 2023 Vinia Vivar 383 views

Inamin ni Barbie Forteza na may conscious effort ngayon ang boyfriend niyang si Jak Roberto para i-maintain ang relasyon nila dahil sa success ng FiLay loveteam nila ni David Licauco.

Sa panayam kay Barbie ng GMA-7 ay natanong siya kung nakakapag-date pa ba sila ni Jak.

“Nagpupunta siya sa bahay, pinagluluto niya ako sa bahay,” sagot ni Barbie.

Ano ang niluluto ni Jak?

“Marami. Mga seafood, ganyan,” ani Barbie.

Pag-amin ng aktres, dahil nga sa success ng FiLay kaya medyo nag-i-effort si Jak na maging medyo private na ang kanilang relasyon at pinuri niya ang boyfriend dahil dito.

“Medyo may conscious effort na rin kasi siyempre dahil very successful ang FiLay. So, it’s just so mature of Jak na magkaroon ng conscious effort to keep the relationship between us na lang muna,” sey ni Barbie.

Pinuri rin ng fans ang pagiging understanding ni Jak na mag-give way sa FiLay loveteam but at the same time ay nag-i-effort pa rin na hindi maapektuhan ang kanilang relasyon.

Sa ngayon ay may dalawang projects na gagawin ang FiLay, isang TV series at isang pelikula kaya wish ng JakBie fans na patuloy na hindi maapektuhan ang relasyon nina Jak at Barbie dahil sa tandem ng aktres kay David sa Maria Clara at Ibarra.

AUTHOR PROFILE