
Bangs ni Maris napunta kay Rico
KINAGILIWAN ng netizens ang buhok ng singer-songwriter na si Rico Blanco sa look nito matapos siyang magpunta kasama ang nobya at aktres na si Maris Racal sa ginanap na ABS-CBN Ball 2023.
Sa Instagram page ni Maris nitong Linggo, Oktubre 1, ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa ng kanyang nobyo.
“hmp ang cute mo kagabi” sey ni Maris sa caption ng kanyang post.
“our first ball ever” dagdag pa ng aktres.
Hindi naman pinalampas ng ilang netizens ang pangdo-dogshow sa multi-instrumentalist.
Anila, nalipat umano ang bangs ni Maris kay Rico.
“Mhie yung bangs mo napunta kay Rico!”
“Cute naman pinahiram mo bangs mo.”
“Nena yung bangs mo nalipat kay Rico.”
Matatandaang nag-viral kamakailan sa social media ang hindi pantay na bangs ni Maris. Naging meme ang video na kanyang ibinahagi na kumalat pa sa ibang bansa tulad ng Thailand.
Samantala, kinilig naman ang iba sa post na ito ni Maris. Matamis kasi ang titigan ng dalawa sa larawan.
“Ang kyut niyo po kagabi,” komento ng celebrity mom na si Angelica Panganiban.
“Cute ninyong dalawa,” sey naman ng TV host na si Bianca Gonzalez.