
Bakla rin si Nicole — Ruby
Isa na namang Pinoy ang naka-penetrate sa international scene at ito ay walang iba kundi ang veteran actress na si Ruby Ruiz, 63 years old.
She marks her Hollywood debut via the new Amazon Prime Video series, Expats with no less than Nicole Kidman as one of the lead stars.
Humarap si Ruby sa isang mediacon last Tuesday handog ng Cornerstone Entertainment. Kararating lang ng veteran actress galing sa New York kung saan nagkaroon ng red-carpet premiere night ang nasabing series sa The Museum of Modern Art (MoMA).
Ayon kay Ruby, she auditioned for the role through the recommendation of Chanel Latorre, an independent actress na nakatrabaho niya pero hindi niya inasahan na makukuha siya.
Kwento niya, panahon ng pandemic ‘yun at naka-lock-in taping siya sa Quezon para sa Niño Niña with Maja Salvador nang tawagan siya ng acclaimed director na si Lulu Wang that she got the part.
Dito niya nalaman na si Nicole ang bida.
Nang kumustahin si Ruby on her experience working with NK (tawag nila kay Nicole), aniya, “Napakabait niya, natural na natural, taong-tao,” at pabulong pag idinagdag na “bakla rin siya.”
Napakagaling umano ni Nicole at ang pinaka-memorable scene niya with her ay ang confrontation nila sa episode 5.
“In that very emotional scene with her in episode 5, after that scene, sabi niya sa ‘kin, ‘You were so good!’ blah, blah, blah. And then, sabi ko, ‘yung parang thought balloon ko, ‘echosera rin ‘tong si Nicole,’ ganu’n, eh, siya nga itong ang galing-galing!
“Sobra talaga, ang galing! ‘Yung parang tuod ka na lang ‘pag hindi ka nadala the way she carried her scene. I mean, that’s my honest ano, ang galing talaga! Sobrang powerful. And I was just looking into her eyes,” dagdag pa ni Ruby.
Kinunan ang series sa Hong Kong at Los Angeles, California for six episodes at napapanood na ngayon sa Prime Video.