
Bahay ni Paolo, katas ng ‘Eat Bulaga’
Ipinagmalaki ng manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis na malapit nang makapundar ng sariling bahay ang aktor dahil sa Eat Bulaga.
Sinabi ito ni ‘Nay Lolit sa Instagram.
Ayon pa sa veteran columnist/talent manager, swerte si Paolo dahil nagustuhan ng viewers ang tandem nito with Isko Moreno and Buboy Villar.
“Baka matupad na ang pagbili niya ng dream house this year. Suwerte siya sa Eat Bulaga GMA version dahil nagustuhan ng mga viewers ang tandem nila nila Isko Moreno at Buboy,” ani ‘Nay Lolit.
“Nakakatuwa na ang mga comedy skit nila at kung nuon para silang palengke ngayon supermarket na ang dating, hah hah,” patuloy pa niya.
Para kay ‘Nay Lolit, maganda ang nangyayaring kumpetisyon ngayon ng mga noontime show dahil pawang nagpapalakihan ng mga papremyo kaya panalo ang televiewers.
“At maganda din na magkaruon ng competition ang Eat Bulaga Tito, Vic and Joey version naman dahil naging very active sila ngayon at laging present na sa kanilang programa ang tatlo. Ang mga televiewers ang panalo. Bongga pa pareho mga pa premyo nila, talagang palakihan,” aniya.
Pinuri rin ni ‘Nay Lolit si Paolo na gumagaling na sa pagho-host.
“Gustong gusto ko pa na nahasa talaga ang pagiging host ni Paolo Contis kaya naman confident na siya ngayon sa harapan ng kamera pag nag interview, puwede ng ilaban kay Boy Abunda hah hah, joke joke,” sey pa niya.