Default Thumbnail

Bahay ng mayor hinagisan ng granada

August 7, 2023 Zaida I. Delos Reyes 207 views

PINASABUGAN ng granada ng hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ni Dumarao, Capiz Mayor Mateo Hachuela nitong Sabado ng gabi.

Batay sa ulat ng Philippine Naitonal Police nitong Lunes ng umaga, ang insidente ay naganap dakong 8:48 ng gabi noong Sabado.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente bukod sa pagkapinsala ng bakod ng bahay.

Ang insidente ay naganap kasabay ng pagdiriwang ng fiesta sa kanilang lugar.

Ayon sa alkalde, isang blasting cap lamang ng granada ang sumabog at panatag naman siyang maaresto ang naka-motorsiklong suspek na siyang naghagis ng granada sa loob ng kanyang bakuran.

Aniya, may mga CCTV camers sa labas ng bahay na makakatulong sa isinasagawang imbestigasyon.

Hinala ng alkalde, kalaban nito sa pulitika ang may kagagawan ng insidente at ang motibo aniya ay ang bulabugin ang matiwasay na pagdiriwang ng fiesta sa lugar at isisi sa kanya ang tila kakulangan sa seguridad.

Kaugnay nito, pinaigting na ng mga kapulisan ang pagbibigay seguridad sa lugar sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga checkpoints at pagpapatrolya.