Biktima Mula sa ABM-TVL sa Don Juan/FB

KATORSE GINAHASA, KINATAY

August 7, 2023 People's Tonight 366 views

Bangkay iniwan malapit sa bahay ng biktima

SINAKSAK sa dibdib at tagiliran ang isang 14-anyos na dalagita sa Northern Samar matapos umano itong halayin.

Base sa report ng awtoridad, ang biktima ay nakatira sa Barangay Zone 6, San Roque, Northern Samar. Siya’y nagtamo ng 11 na saksak na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ang katawan ng biktima ay nakita umano ilang metro lamang sa kanilang bahay.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulisya ng San Roque ang nangyari. Hinahanap na rin nila ang mga posibleng suspek sa nasabing krimen.

AUTHOR PROFILE