PAGASA

Bagyong Hanna lalong lumakas

September 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 271 views

LALO pang lumakas ang bagyong Hanna habang kumikilos pa-kanluran, hilagang kanluran patungo sa karagatan ng Silangang Taiwan.

Batay sa PAGASA, dakong 11:00 ng umaga nitong Sabado itinaas na ang typhoon signal no. 1 sa Batanes.

Patuloy ding palalakasin ng bagyong Hanna ang hanging Habagat na magdadala ng ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Magdadala ang Habagat ng pabugso-bugsong ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Viscaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at northern portion ng eastern visayas.

Matatagpuan sa 455 kilometers sa silangan ng northeast Itbayat, Batanes ang mata ng bagyo.

Kumikilos si Hanna sa direksyong pakanluran, hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras at may dalang hangin na aabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna.