Default Thumbnail

Baguio MWP, timbog sa Maynila

June 13, 2023 Jonjon Reyes 328 views

ARESTADO ang isang 47-anyos na driver ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) makaraang magtago dahil sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property matapos mamataan sa Zobel Roxas Street, Sta. Ana, Maynila.

Ang suspek ay sinasabing “most wanted person” (MWP) sa district level sa Baguio City at kasalukuyang nakatira sa Barangay Cupang sa Antipolo City.

Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Section 2, Special Mayor’s Reacrion Team (SMaRT), bandang 5:10 ng madaling araw, nang maispatan ang suspek sa nasabing lugar.

Dahil na rin sa pinaiiral na programa ni MPD director PBGen. Andre P. Dizon na “Oplan Galugad” at ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), pinangunahan ni P/Maj. Dave Garcia, deputy ng DID-SMaRT, kasama sina P/Maj. Val Valencia, P/Cpt. Edgar Julian at ilan nitong tauhan.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Cecilia Corazon Sumcad Dulay Achog ng Regional Trial Court, First Judicial Region Branch 7 ng Baguio City, Benguet na may petsang Hunyo 1, 2020.

Naglaan naman ang nasabing korte ng P100,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Ayon pa kay Samonte, nagtungo sa kanyang tanggapan si P/Maj. Jason Eugenio ng Kennon Road Police Station 8, Baguio City, upang makipagkoordina makaraang makatanggap ng report sa kinaroroonan ng suspek na matagal ng sinusubaybayan.

Katuwang din ang grupo ni PEMS Ariel Gallevo ng Regional Investigation Unit ng NCR.

AUTHOR PROFILE