Geraldine

Baguhang singer-actress, impressive ang educational background

January 7, 2024 Ian F. Fariñas 694 views

IMPRESSIVE ang educational background ng baguhang singer-actress na si Geraldine Jennings.

Nagtapos ang half-Irish/British, half-Pinay ng nursery hanggang year 2 sa British School Manila sa BGC bago lumipad ang pamilya nila pa-UK noong 2009.

Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Fettes College at Loretto School. Pagkatapos ng high school, nag-aral siya sa Loyola Marymount University sa Los Angeles, California nang isang taon at kumuha ng Business Management course with Music and Acting. “Now, I am currently studying in the University of London,” ani Geraldine nang humarap sa entertainment press para sa pormal niyang pagsabak sa showbiz.

“My first love is singing and playing the guitar,” pahayag pa niya. “I also am passionate about acting.” Pagbabalik-tanaw ng dalaga, “When I was 14, I joined my first competition, Teenstar UK singing competition in 2018 and got to the finals. Subsequently, I joined and won the prestigious future music development award in the Open Mic UK singing competition and performed at the 02 Arena in London.”

Pabalik-balik ng ‘Pinas si Geraldine at ngayon nga ay meron na siyang sinu-shoot na launching movie, ang Isla Babuyan, kung saan kapareha niya si Jameson Blake.

Bukod dito, nakatakda rin siyang maglabas ng debut single ngayong 2024 sa ilalim ng LVD Music label ng business manager niyang si Leo Dominguez.

Ang Isla Babuyan ay isang romantic tragicomedy na tribute sa yumaong Regal Entertainment director na si Joey Gosiengfiao.

Si Leo mismo ang nag-conceptualize ng istorya nito mula sa screenplay ni Jessie Vilabrille at direksyon ni Abdel Langit.

Ginagampanan ni Geraldine ang papel ni Anastassia, isang half-Pinay, half-European na dalagang pupunta ng ‘Pinas para makasama ang inang si Rose na ginagampanan ni Lotlot de Leon.

Along the way, makikilala’t mai-in love siya kay Jordan (Jameson) pero magkakaproblema sila dahil stepmom nitong si Margot (Nathalie Hart).

Nasa cast din ng Isla Babuyan sina Paolo Gumabao, James Blanco at Dave Borneo habang introducing naman si Samantha da Roza bilang Jasmin.

Ang Isla Babuyan ay produced by Solid Gold Entertainment.

AUTHOR PROFILE