
Baguhang female star, trying hard ang dating
NAGULAT kami nang lumapit sa amin ang isang baguhang female star sa isang event upang magpakilala.
Naririnig na namin ang name niya pero hindi nagre-register sa utak namin ang hitsura niya kaya tumango lang kami nang sabihin ang pangalan ng female star na napapanood na sa GMA shows.
Pero akala namin, sa amin lang nagpapakilala si female star. Pati pala sa mga nakikitang tao sa event, sinasabi ang name niya.
Hmm… wala namang masama pero siyempre, sa mga baliw-baliwan sa showbiz, iisiping trying hard ang female star sa ginawa!