
Bagong ‘PBB’ housemate nagmumura sa kapal ang labi
NAGMUMURA ang makapal na labi ni Bianca de Vera, bagong pasok na housemate sa Bahay ni Kuya ng “Pinoy Big Brother” last Tuesday.
Younger version ni Anne Curtis ang hitsura ni Bianca na nakilala sa husay sa pagluluto. Isa siyang Kapamilya artist na pangarap maging artista.
Sa “PBB” episode kung saan ipinakilala si Bianca, napili naman ng Kapamilya artist ang Kapuso talent na si Charlie Fleming na iligtas sa nomination for eviction sa medal na nakuha nila sa isang challenge.
Si Will Ashley ang nakalaban ni Charlie sa pilian.
ARA NAIINTRIGA
NAIINTRIGA ang aktres na si Ara Mina sa pagtakbo niya bilang konsehal sa 2nd district ng Pasig City.
Wala kasing nakaaalam na ang kanyang mother at daddy Romy Reyes ay legit na Pasigueno.
Dagdag pang impormasyon, may bahay sa Santolan, Pasig si Ara at doon siya nakatira ngayon.
Kapartido ni Ara si Ate Sarah Discaya at kapwa nila pangarap na gawing Smart City ang Pasig bukod pa sa marami nilang advocacies na hindi umano masyadong nabibigyang halaga sa lungsod.
Mabait na tao si Ara at alam naming bukas sa loob ang pagtulong niya sa mga nangangailangan.