
Atasha game maging ‘bad’ sa Pinoy adaptation ng sikat na Thai series
AMINADO ang showbiz royalty na si Atasha Muhlach na naiyak siya nang ialok ng Studio Viva ang pagbibida sa Pinoy adaptation ng sikat na 2017 Thai series na “Bad Genius.”
Surreal umano ang pakiramdam pero siyempre, super grateful siya dahil alam niya na malaking oportunidad ang magbida sa kauna-unahan niyang serye.
“I’m so honored to do such a great project with a great team,” sey pa ni Atasha sa cast reveal/story conference ng “Bad Genius: The Series” sa Viva Cafe nitong Martes.
Dagdag pa niya, “Siyempre I’m nervous kasi it’s a big role. Pero of course, at the end of the day, I’m super game to take the risk as long as I give my best, try my best, and I don’t ever wanna take this for granted.”
Gagampanan ni Atasha ang papel ni Lin, ang matalinong estudyante mula sa public school na makakakuha ng scholarship sa isa sa pinakamagandang private schools. Kahit naninibago sa bagong kapaligiran, desidido siyang panatilihing mataas ang kanyang grades para manatili sa ekswelahang ito.
Gayunpaman, handa rin siyang tumulong sa mga kaklaseng nahihirapan sa mga exam, lalo na nang malaman niya na pwede siyang kumita rito. Bilang iskolar, gagawa si Lin ng organisadong sistema para makapandaya sa exams.
Sa totoo lang, kwento ng direktor na si Derick Cabrido, isang linggo silang pinaghintay ni Atasha bago umoo sa proyekto.
Pag-amin ng direktor, ’yun ang isa sa mga naging takot niya: Na baka hindi tanggapin ng “Eat Bulaga” Dabarkads ang “Bad Genius: The Series.”
“We were so grateful na tinanggap ni Atasha ‘yung project for ‘Bad Genius,’” masayang sambit ni Direk Derick sa mediacon.
At dahil nga adaptation ito, aware si direk na mataas ang expectation ng mga tao. Lalo pa nga’t nagkaroon na ito ng Bollywood version sa India (‘Farrey’) noong 2023 at American remake na ipinalabas pa sa mga sinehan dito sa ‘Pinas noong nakaraang taon.
Kaya naman marami umano siyang preparation na ginagawa, kasama ang staff, para siguruhing matatapatan nila ang lahat ng expectations.
Ngayon pa lang, sobrang excited na nga raw ni Atasha sa project although kabado rin dahil ito ang susunod sa matagumpay na Viva One series na “Ang Mutya ng Section E” nina Ashtine Olviga, Rabin Angeles at kakambal niyang si Andres Muhlach.
At the same time, thankful din daw siya sa suporta, ’di lang ni Andres, kundi maging ng mga magulang nilang sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Paglilinaw ni Atasha, walang kumpetisyon sa kanila ng kapatid dahil mag-best friend sila at proud na proud siya sa tagumpay nito sa showbiz.
Ayon pa sa kanya, “In terms of the work itself, when I first heard about it, I already knew that accepting it, I’m gonna give my 100 percent. Wala po akong expectation kung what the result’s gonna be as long as I could promise myself that I’d give my 100 percent then I’ll be super, super happy with that.”
Matapos ang launch, kanya-kanya namang post sa Instagram sina Andres, Aga at Charlene para i-congratulate si Atasha.
Ani Charlene, “So happy to see your dreams come true. Excited for your upcoming series, Bad Genius. Such an excellent cast, director and producer. Can’t wait to see you transform into Lin and watch you on @vivaoneph.”
Si Aga naman, “What more can I ask for?? My dear Atasha, I am so happy for both you and your brother. Makes me really tender. Maraming salamat mahal na panginoon congratulations
Atasha for your 1st !! BAD GENIUS !! Let’s go!!! And you @aagupy as well. Gratitude and kindness always. Tapak lang sa lupa lagi. Love you both! God loves you both! Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa kanilang dalawa at sa aming pamilya. We love you all! God bless you all.”
Simpleng “So happy for u Tash” naman ang nilagay ni Andres sa nirepost niyang “Atasha Goes Bad” VTR ng kakambal sa kanyang Instagram Story.
Anyway, makakasama ni Atasha sa “Bad Genius: The Series” ang University Series stars na si Jairus Aquino (bilang Bank) at ang HyGab tandem nina Gab Lagman (Pat) at Hyacinth Callado (Grace).
Sina Ruffa Gutierrez, Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Irma Adlawan, Joko Diaz, Keagan de Jesus, Alex Payan at Gold Aceron naman ang kukumpleto sa cast ng pinakabagong serye na susubaybayan sa Viva One.