JLC

Bagong leading lady ni John Lloyd lihim pa

December 9, 2021 Aster Amoyo 411 views

HANGGANG ngayon ay bitin pa rin kung sino ang magiging leading lady ni John Lloyd Cruz sa kanyang kauna-unahang sitcom sa GMA na pinamagatang “Happy ToGetHer” kung saan niya makakasama sina Carmi Martin, Ashley Rivera, Jenzel Angeles at ilang dating Kapamilya talents na sina Miles Ocampo, Janus del Prado, Eric Nicolas at Jayson Gainza maging ang director, ang singer-actor na si Edgar `Bobot’ Mortiz.

Si Direk Bobot ang nagdirek ng last TV sitcom ni John Lloyd sa ABS-CBN, ang “Home Sweetie Home” na pinagtambalan nila ni Toni Gonzaga na nagsimula nung 2014 but in October 2017 ay umalis ang actor sa nasabing sitcom when he took his `indefinite leave’ from showbiz.

Ngayong pareho nang nasa Kapuso network sina John Lloyd at ang kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo, posible ring magsama ang dalawa sa isang TV series maging sa pelikula under GMA Pictures.

KayeKaye open pa rin sa showbiz

DALAWA na ang supling ng mag-asawang Kaye Abad at ex-PBB housemate-turned actor at businessman na si Paul Jake Castillo, sina Joaquin (turning 4 this December 22) at ang bunsong si Inigo (3 mos. old). The celebrity couple celebrated their 5th wedding anniversary kahapon, December 9. Sila’y ikinasal sa hometown ni Paul Jake in Cebu City nung December 9, 2016. December 22 naman the following year ay isinilang ang kanilang panganay na si Joaquin habang ang kanilang ikalawa at bunsong anak na si Inigo was born on September 2, 2021.

Sa Cebu na rin ngayon namimirmihan si Kaye with her husband at dalawang anak. Pero sa kabila nito ay bukas pa rin si Kaye sa kanyang acting career when there are offers.

SB19 naungusan ang BTS sa Billboard

KUNG sikat na sikat ngayon hindi lamang sa South Korea kundi maging sa iba’t ibang bansa including America ang K-pop boy band na BTS, unti-unti na ring gumagawa ng pangalan internationally ang Pinoy pop boy band na SB19 na binubuo ng all-Filipino boy band members na sina Josh, Pablo, Stell, Ken at Justin.

Ang latest song ng grupo na pinamagatang “Bazinga” ay nag-number 1 sa Billboard Hot Trending Songs dislodging BTS’ “Butter” to No. 2 although tatlong hit songs ng Korean pop group ang pumasok sa Top 10 at kasama na rito ang “Dynamite” at No. 9.

Kung na-penetrate ng BTS ang Amerika at ibang bansa, hindi ito malayong mangyari sa P-Pop boy band na SB19 na recording artists na rin ng Sony Music Philippines at nasa pangangalaga ng ShowBT Philippines na affiliate ng ShowBT South Korea na pinamumunuan ng Korean management. Ang grupo ay sumailalim ng two-year training (just like any other K-Pop groups in South Korea). Sila rin bale ang kauna-unahang Pinoy group at Southeast Asian act na pumasok sa nomination ng Billboard Music Awards para sa Top Social Artist Category.

Ayon sa ShowBT Philippines, dagsa umano ang nag-audition na maging bahagi ng SB19 pero sina Josh, Pablo, Stell, Ken at Justin ang pinalad na mapili.

Sa takbo ng mga pangyayari ngayon, mukhang ang P-Pop na SB19 ang direktang makakalaban ng Korea’s BTS na kahit napakalaki ng fanbase globally, unti-unti na ring humahabol ang all-Pinoy boy band na SB19.

PauloPaulo at Janine palaisipan pa rin ang relasyon

IS Kapamilya actor Paulo Avelino still in a relationship with his Filipina-Australian model girlfriend na si Jodie Elizabeth Tasarek? The actor confirmed his relationship with Jodie in July 2017. Lately naman ay may mga balitang lumabas na kesyo hiwalay na umano ang dalawa dahil sa kanyang co-star sa “Marry Me, Marry You” na si Janine Gutierrez na hiwalay na sa dating boyfriend na si Rayver Cruz.

Inamin ni Paulo in an interview na nanligaw umano siya kay Janine pero hindi naging sila, Pero ngayong nasa iisa silang management company at magka-trabaho sa romance-comedy series na “Marry Me, Marry You” ay nagkakamabutihan umano ang dalawa bagay na hindi pa kinukumpirma ng dalawang lead actors ng serye. May version pang lumabas na si Paulo umano ang dahilan kung bakit nakipagkalas si Janine kay Rayver.

Ayon naman kay Janine, wala umanong third party sa break-up nila ni Rayver.

RashRash umamin sa relasyon sa isang gay

KUNG ang ibang actor ay hesitant na aminin na nagkaroon sila ng karanasan o relasyon sa mga gay, kakaiba naman ang baguhang Viva sexy actor, ang Fil-Pakistani na si Rash Flores dahil tahasan nitong inamin na nagkaroon umano siya ng karelasyong bading when he was 13 pero tumagal lamang umano ito ng isang buwan.

Wala umano siyang diskriminasyon sa mga lalaking nagkaroon o merong karelasyong gay dahil marami umano siyang kaibigang bading at bahagi rin sila ng lipunan. Hindi rin inaalis ng actor na puwede umano siyang ma-in lab sa bading although mas preferred niya ang karelasyong babae.

Isa si Rash sa mga bida ng pelikulang “Palitan,” isang LGBT movie na dinirek ng premyadong director na si Brillante Dante Mendoza sa bakuran ng Viva Films at streaming on Vivamax simula sa araw na ito ng Biyernes, December 10. Ang nasabing pelikula ay tinatampukan din nina Cara Gonzales, Jela Cuenca at Luis Hontiveros.

Although first movie ni Rash ang “Pornstar 2: Pangalawang Putok” na dinirek ni Darryl Yap na siya ring sumulat ng istorya, first lead role naman niya ang “Palitan” . Tulad nina Cara, Jela at Luis, nakipagsabayan din siya sa paghuhubad at pagiging daring sa nasabing pelikula.

fifthDirek Fifth may dahilan bakit kinontrata ng Viva

NOW we understand kung bakit ikinontrata ng multi-picture contract ng Viva Films ang ex-PBB housemate-turned writer-director at actor na si Fifth Solomon (Roberto Solomon Pagotan V) dahil may ibubuga pala ito bilang writer-director.

Fifth debuted as a film director sa pelikulang “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka,” isang romantic-comedy in 2018 na tinampukan nina Alex Gonzaga, Jerald Napoles at ang twins ex-PBB housemate-turned actresses-comediennes na sina Joj and Jai Agpangan.

Second directorial movie project ni Fifth ang “Dulo” na pinagbibidahan ng reel and real sweethearts na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na nagpakita ng husay sa pag-arte sa nasabing pelikula na mula rin sa panulat ni Direk Fifth. Maganda rin ang kuwento ng pelikula na puwedeng kapulutan ng aral ng young couples.

Kuhang-kuha naman ni Diego ang husay umarte ng kanyang parents na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Tulad ng pelikulang “Palitan,” for streaming din today, December 10, araw ng Biyernes ang “Dulo” sa number 1 Pinoy streaming app, ang Vivamax. Ito rin bale ang kauna-unahang pagkakataon na dalawang magkahiwalay na bagong pelikula ang sabay na ipinalabas sa Vivamax.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE