
Bagong birada ni Joey: Hindi masamang magbunyi kung wala kang nilamangan… at ninakawan!
Joey de Leon strikes again!
Sa latest Instagram post ng tinaguriang Henyo Master ay may hugot na naman siya na hinuhulaang patama sa TAPE, Inc, ang producer ng “Eat Bulaga.”
“Hindi masamang magsaya kung tama ang dahilan. Hindi masamang magbunyi kung wala kang nilamangan…at ninakawan!—-crEATor,” ang pahayag ni Joey.
Ito ay matapos ngang makakuha ng renewal ng Certificate of Registration for 10 years ang TAPE, Inc. para sa trademark ng “Eat Bulaga.”
Sa comment section ay marami naman ang nagpahayag ng suporta para kay Joey at sa original hosts ng “Eat Bulaga.”
Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:
“Okay lang yan Boss Joey basta nasa Puso at isipan naming lahat na nagmamahal sa inyo kayo lang TVJ ang Tunay na Eat Bulaga! Legit Dabarkads ako… LOVE YOU TVJ.”
“Kahit another 44 years ang abutin, naka ukit na sa pusong pinoy TVJ is Eat Bulaga period.”
“Ang importante alam ng lahat na kayo po ang tunay na nagmamayari ng Eat Bulaga title .. makakarma din sila. Eat Bulaga is TVJ andnTVJ is Eat Bulaga d mabubura sa history yan.”
“Tumpak Sir JDL alam ng buong Pilipinas at buong mundo na ikaw ang may ari ng Eat Bulaga!”