Default Thumbnail

BABAE SINILABAN NG LIVE-IN PARTNER

May 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 500 views

Dahil ‘di nakabayad ng tubig

LAPNOS ang kaliwang braso ng isang ginang matapos na buhusan ng gasolina at silaban ng kanyang live-in partner dahil lamang sa kabiguan nitong mabayaran ang kanilang bill sa tubig sa Zamboanga del Sur.

Nakilala ang biktima na si Helen Fernandez, 37, residente ng Sitio Tanducan, Barangay Poblacion sa Tabina, Zamboanga del Sur.

Inaresto naman ang suspek na nakilalang si Richard Delima, 35, partner ng biktima.

Batay sa ulat ng Zamboanga Police, naganap ang insidente sa tahanan ng mag-asawa.

Nagdilim umano ang paningin ng suspek nang malaman na hindi pa nakakabayad ng tubig ang biktima dahilan upang magkaroon sila ng water disconnection.

Nagkaroon pa umano ng pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa biglang kunin ng suspek ang gasolina na gamit sa kanilang pump boat at walang sabi-sabing ibinuhos ito sa ginang at tyaka sinindihan.

Maswerte namang naisalba ng anak na babae ang kanyang ina at agad na binuhusan ito ng tubig.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Violence Against Women and Their Children Act.