Kho

Atty. ‘Mahilig’ sinuspindi ng SC

May 3, 2023 Hector Lawas 225 views

SINUSPINDI ng Korte Suprema ng dalawang taon ang isang senior law partner mula sa pagiging abogado matapos siyang akusahan ng sexual harassment ng isang junior associate lawyer.

Ang respondent ay pinaratangang nagkasala ng mga seksuwal na gawain tulad ng makamundong biro, hindi tamang personal na mga tanong tungkol sa kanyang romantic relationships, at pagsasabi tungkol sa kanyang mga “extramarital sexual acts/conquests.”

Nagpahayag pa siya na magkakatuluyan silang dalawa kung sila ay magkakaparehong edad.

Ayon kay Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., bilang isang senior partner sa isang law firm, dapat malaman ng respondent na ang mga junior associates na nagsisimula pa lamang sa kanilang legal careers ay natural iidolohin siya.

Sila’y umaasa sa kanya ng propesyunal na paglago sa ilalim ng kanyang pangangalaga.

Ngunit tinukoy ng SC na nilabag ng respondent ang tiwala na iyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng reprehensible conduct sa pamamagitan ng sexual harassment.

Masaklap, napansin ng SC na sinubukan pa niyang dumipensa sa pamamagitan ng pagsasabing “misinterpreted” o “taken out of context” lamang siya.

Ayon sa SC, lumilikha ang mga gawain ng respondent ng intimidating, hostile, o offensive working environment para sa complainant, na nagresulta sa kanya na mag-undergo ng psychotherapy treatment.

“Accordingly, taking into consideration the nature or character of respondent’s complained acts, the frequency of occurrence of the said acts throughout the two-year period he worked with complainant, the degree of his moral influence or ascendancy, and the effect of his acts on her, the Court deemed it proper to impose upon respondent the penalty of suspension from the practice of law for a period of two years, ” sabi ng SC.

AUTHOR PROFILE