
Ate Vi, Boyet at Sharon, nagbebenta ng MMFF tickets sa mga sinehan
PAGBEBENTA ng ticket sa sinehan ng pelikula ang bagong paraan ng promotions ngayon kaugnay ng 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ganitong paraan ng pagbebenta ng tickets sa takilya ang ginawa nina Vilma Santos-Recto at Christopher de Leon nitong nakaraang mga araw.
Eh, dahil medyo maayos na ang kalusugan, nakita sina Ate Vi at Boyet sa isang sinehan na nagbebenta ng tickets para sa entry nilang “When I Met You in Tokyo.”
Nakakagulat na ang kagaya nina Ate Vi at Yetbo ay susunod sa paraang ‘yon dahil bukod sa pagbebenta, nakikipag-picture taking pa sila sa mga buyer ng tickets, huh!
Sa totoo lang, hindi lang sina Ate Vi at Boyet ang gumawa ng ganitong paraan ng promotions. Maging si Sharon Cuneta ay nagpunta rin sa ilang sinehan para magbenta ng tickets para sa movie nila ni Alden Richards na “Family Of Two.”
Take note, Star for All Seasons at Megastar sina Vilma at Sharon, respectively, huh!