Atasha

Atasha, pangtapat ng ‘E.A.T.’ kay Cassy

September 23, 2023 Vinia Vivar 656 views

Atasha1Tuluyan na ngang pumalaot sa showbiz ang isa sa kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha Muhlach dahil mapapanood na siya sa E.A.T. bilang isa sa Dabarkads.

Nag-post si dating Senador Tito Sotto ng larawan nila nina Vic Sotto at Joey de Leon kasama si Atasha, na ipinakilala bilang kapatid ng Ingleserang si Ellen.

“Welcome our new Dabarkads! Atasha!” ang caption ni Tito Sen.

In fairness, may blessing naman si Atasha ng kanyang parents na mag-join sa showbiz dahil natapos na niya ang kanyang pag-aaral.

Matatandaan na noong July ay nagtapos si Atasha ng business course sa United Kingdom with honors, take note!

Pagka-graduate ay pumirma agad ng kontrata si Atasha sa Viva Artists Agency.

Sa pagpasok ni Atasha sa E.A.T., may mga nagsasabi na siya ang pangtapat ng TVJ kay Cassy Legaspi sa Eat Bulaga.

AUTHOR PROFILE