Gordon

Asawa ng Pharmally exec nagpasaklolo kay Gordon at sa Senado

February 16, 2022 People's Tonight 269 views

ALANG-ALANG sa kondisyon ng kanilang anak, nagpasaklolo na kay Senador Richard Gordon at sa Senado si Summer Ong, asawa ng Pharmally Executive na si Linconn Ong na palayain na ang huli sa ngalan ng humanitarian reason.

Sa kanyang liham kay Gordon humingi ng tulong si Ginang Ong para mapalaya na ang asawa nito gayundin ang magkapatid na sina Mohit at Twinkle Dargani na una nang ipinakulong ng Senate Blue Ribbon Committe sa kasong contempt of court matapos ang isinagawang imbestigasyon sa kontrobersiyal na Pharmally mess.

Ang tatlo ay kasalukuyang nakapiit sa Pasay City Jail.

Sinabi ni Ginang Ong na ang kanilang 2- taong gulang na anak na lalaki ay nasa ospital dahil sa dengue.

“Senator Gordon I fervently appeal to you to please let my husband go. It is not only I who need him most now, but also our son who is suffering from dengue, who may I just mention is not doing too well and constantly looks for his father,” nakasaad sa sulat ni Gng. Ong kay Gordon kung saan lubha na umanong naapektuhan ang pamilya sa mahigit 5 nang pagkakakulong ng asawa mula pa noong Setyembre 2021.

Iginiit ni Ginang Ong na base sa kanyang mga abogado ay nang ipalabas ng Senado ang partial report ng Blue Ribbon Committee sa Pharmally investigation nito noong Pebrero 2, 2022 ay dapat napalaya na din ang mister subalit hindi ito nangyari.

Umaapela din ang ginang sa ibang senador partikular kay Senate President Vicente Sotto na pakinggan ang kanilang daing.

“I seek for your understanding and compassion to please consider setting my husband free. He is a father like yourself. He too is a husband like yourself. What Linc is experiencing now, the anguish of not being there for his family, the difficult situation in a City Jail, which incidentally has no jurisdiction over him, and the constant fear for the future, with no clear indication as to when this will all end,” nakasaad pa sa liham.

Ang kampo ng mga Pharmally execs ay naghaiin na ng hiwalay na petisyon sa Supreme Court at Court of Appeals kung saan kinukuwestiyon nito ang legalidad ng kautusan ng Senado na ikulong ang mga ito.

Sa ngayon ay wala pang desisyon ng korte sa kanilang apela.

AUTHOR PROFILE