
Arron, game sa daring roles sa Vivamax
PUMIRMA na sa Viva Artists Agency (VAA) ang dating Star Magic at Cornerstone talent na si Arron Villaflor matapos ang dalawang taon ng kawalan ng trabaho.
Sa isang virtual media conference, inamin ng aktor na nag-struggle rin siya gaya ng karamihan nu’ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic na sinabayan pa ng pagkakasara ng ABS-CBN.
Kaya naman sobrang thankful siya sa Viva bosses sa pagbibigay ng pagkakataong makapagtrabahong muli.
Sa kanyang comeback project, ’Wag Mong Agawin ang Akin na dinirek ni Mac Alejandre, kasama ni Arron ang dati ring Kapamilya na si Jamilla Obispo.
Kabado si Arron sa panibagong mundong pinasok pero nananatili siyang hopeful at grateful dahil collaborative ang Viva bosses.
Katunayan, nagsisimula na rin daw siyang magsulat ng scripts na maaari niyang i-pitch kay Boss Vic del Rosario.
Handa rin si Arron sakaling alukin ng mapangahas na roles sa Vivamax movies at sinabing minimal naman ang limitations niya pagdating sa daring projects.
Kasama rin ang Vivamax prized talent na si Angeli Khang at Felix Roco, ang ’Wag Mong Agawin ang Akin ay mapapanood sa Vivamax simula bukas, July 31.