
Armas, explosives, LED, gas nakuha sa Laguna
NAKA-RECOVER ng mga armas, explosives at halu-halong war materials ang mga miyembro ng 1st Laguna Provincial Mobile Force Company at 4th Maneuver Police noong Miyerkules sa Brgy. Atisan, San Pablo City, Laguna.
Kabilang sa na-rekober ang caliber .357 pistol, 2 non-electric blasting cap, 1 grenade rifle,2 hand grenade fuse assembly, 1 9- volt battery, 1 alligator clip, 1 9-volt battery snap connector, 1.5, 1 light emitting diode (LED) light green, 17 rounds ng cartridge ng 5.56 mm ball,1 litro ng gasolina at 1 litro ng krudo.
Base sa ulat ni 1st LPMFC commander P/Major Merben Bryan Magada Lago kay Laguna Laguna OIC Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos, nahukay ang mga armas at explosives dakong alas-2:45 ng hapon sa bulubunduking bahagi ng barangay.
Ang pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Barangay Intelligence Network ang naging daan para mahukay ang ibinaon na mga war materials.