
Ara seryoso na sa pagiging public servant
HUMARAP sa entertainment media at vloggers ang 45-year-old signer, award-winning actress at entrepreneur na si Ara Mina (Hazel Pascual Reyes-Almarinez) upang ibalita ang bagong journey na kanyang papasukin – ang public service.
Si Ara ay kandidato sa pagka-konsehal ng ikalawang distrito ng Pasig sa darating na mid-term election kung saan siya kasama sa ticket ng bagong mayoral candidate, ang successful businesswoman at philanthropist na si Sarah `Ate Sarah’ Discaya (48), CEO ang St. Gerrard Construction and Development Corporation at siyang namumuno ng ng St. Gerrard Charity Foundation kung saan sila nagkakilala ng singer-actress at entrepreneur.
Ayon kay Ara, iisa umano ang goal nila ni Sarah, ang makatulong sa mas marami pang Pasigueno na nangangailangan laluna pagdating sa health services.
Although tumira si Ara sa Marikina at Quezon City, ang Pasig ang kanyang pinagmulan kaya dito siya tumatakbo ngayon.
Ang pagtulong sa kanyang kapwa laluna na mga kasamahan niya sa showbiz ay likas na kay Ara who spent for the hospitalization hanggang burial ng kasamahan namin sa trabaho, ang entertainment writer at dating PRO ni Ara na si Leo Bukas. Si Ara din ang tumulong sa veteran actress na si Deborah Sun and her family by letting them stay sa isa sa kanyang mga pag-aaring condo unit in Quezon City bukod pa sa pagbibigay sa kanila from time to time ng grocery items at bigas. Ito’y ilan lamang patunay na kahit wala sa public service ang actress ay bukal na sa kanyang puso ang pagtulong.
“Actually, ang pagtulong sa kapwa ang main reason kung bakit gusto nating maging public servant,” panimula ni Ara who is kind-hearted person since day one na naging bahagi siya ng showbiz.
Kung tutuusin, ang public service ay hindi na rin bago kay Ara dahil ang kanyang late grandfather (sa father side) na si Ishmael Mathay. Jr. na isang abogado ay nanilbihang vice-mayor at mayor ng Quezon City nung itong nabubuhay pa habang ang kanyang biological father na si Chuck Mathay ay naging kongresista ng isang distrito ng Quezon City. Maging ang dalawa niyang half-brothers na sina Cris at Macky Mathay ay parehong naninilbihang councilors ng San Juan. Ang mister ni Ara, ang businessman na si Dave Almarinez ay nanilbihan ding Board Member noon ng Laguna.
“Kung kami ni Ate Sarah (Discaya) ay papalaring manalo, marami kaming magagandang plano dahil halos pareho kami ng goal,” pahayag ni Ara na ang ama ng kanyang ten-year-old daughter na si Amanda Gabrielle na si Patrick Meneses is also into public service.
Nanatiling kaibigan ni Ara ang kanyang ex-boyfriend na si Patrick Meneses maging ang present girlfriend nito. Katunayan, inimbitahan pa ni Ara si Patrick at kasintahan nito sa wedding nila ng husband niyang si Dave Almarinez nung 2021 sa Baguio City. Maganda rin umano ang relasyon ng kanyang daughter na si Amanda sa kanyang biological dad na si Patrick maging sa kanyang stepdad na si Dave who treats her just like his own.
Samantala, Ara looks up to her Ninang Vi (Vilma Santos-Recto) as her idol dahil maganda ang record nito bilang actress at sa larangan ng public service at nirerespeto ng lahat.
Kalaban ni Mayor Vico alam na pader ang binabangga
ISA kami sa nakasaksi kung gaano kayaman ang makakalaban ng incumbent at popular mayor ng Pasig na si Mayor Vico Sotto, ang matagumpay na negosyante at philanthropist na si Sarah Discaya na lumaki sa United Kingdom and stayed there until high school at nag-desisyong bumalik ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang negosyong sinimulan ng kanyang ama, ang construction business. Katuwang niya sa maraming negosyo ang kanyang husband na si Curlee Discaya at sila’y nabiyayaan ng tatlong anak na pawang na-diagnose with ADHD.
Ang charitable work ay bahagi na umano ng kanilang corporate social responsibility na kahit wala sila sa public service ay ginagawa na nila ito.
Ang ground floor ng St. Gerrard Construction and Development Corporation building (na mala city hall ang laki) ay nakalaan sa mga taong humihingi ng tulong sa kanila na noon pa man ay tinutulungan na nila at ito umano ang nagbunsod sa kay Sarah na pumasok na rin sa public service dahil naniniwala siya na mas marami pang Pasigueno ang kanyang matutulungan kapag siya’y nasa puwesto laluna ang pagtatayo ng public hospital in Pasig na kumpleto ng mga facitilties at zero billing laluna sa mga taong mahihirap.
Alam ni Sarah na `pader’ ang kanyang binabangga dahil bukod sa popular at meron naman talaga nagagawa sa siyudad bilang mayor ng Pasig na si Mayor Vico Sotto pero dahil sa kanyang bukal sa puso at intention na mamakatulong at lalo pang pagandahin ang Pasig, naniniwala siya ito’y pakikinggan ng mga Pasigueno at bibigyan umano siya ng pagkakataong makapag-lingkod.
Bagong pelikula ni Jericho kaabang-abang
MUKHANG kaabang-abang ang pagsasapelikula ng buhay ng Commonwealth of the Philippines President na si Manuel Luis Quezon sa isang historical bio-pic na pagbibidahan ng singer-actor na si Jericho Rosales at pamamahalaan ni Jerrold Tarog who also co-wrote the story and to be produced ng TBA Studios.
Just recently ay ibinahagi ng TBA Studios na magiging bahagi ng pelikula ang “Games of Thrones” actor na si Iain Glen who will be playing the role of Governor-General Leonard Wood. Ang iba pang members ng cast include Mon Confiado (as Gen. Emilio Aguinaldo), Benjamin Alvez (as the younger Manuel Quezon), Romnick Sarmenta (as Sergio Osmena), JC Santos (as Manuel Roxas), Cris Villanueva (as Joven Hernando and the only fictional character in the movie), Aaron Villaflor at Karylle na siyang gaganap sa papel ni Dona Aurora Quezon, ang wife ni Pres. Manuel L. Quezon.
Ayon kay Karylle, nag-research pa umano siya sa Singapore tungkol kay Dona Aurora Quezon para mapaghandaan ang papel na kanyang gagampanan.
Ang TBA Studios ay siya ring producer ng award-winning and box office movies na “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral” na iba pa na pinamahalaan din ni Jerrold Tarog.
Ang “Quezon” ay siya ring magsisilbing comeback movie project ni Jericho na matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng pelikula.
Iba pang showbiz personalities na papalaot sa pulitika
MARAMING showbiz personalities ang tumatakbo sa iba’t ibang posisyon ngayong mid-term elections on May 12, 2025 ito’y bukod pa sa mga nasa incumbent positions na.
Ang actor na si Aljur Abrenica ay tumatakbo sa pagka-konsehal ng Angeles City sa ilalim ng ticket ni dating PNP Chief Oscar Albayalde na tumatakbong mayor ng siyudad.
Si Ara Mina ay kandidato naman sa pagka-konsehal ng ikalawang distrito ng Pasig gayundin ang dating Miss Universse 3rd runner-up na si Shamcey Supsup-Lee, at maging ang kanyang mister na si Lloyd Lee ay tumatakbo para sa isang partylist.
Sina Ara at Shamcey ay parehong nasa ticket na Pasig mayoral candidate na si Sarah Discaya.
Ang veteran actor na si Roi Vinzon ay kandidato sa pagka-board member ng Benguet, ang actor na si Emilio Garcia ay tatakbo sa pagka-mayor ng Bay, Laguna. Ang Viva actor na si Marco Gallo bilang kinatawan ng 4th district ng Camarines Sur, si Monsour del Rosario sa pagka-vice mayor ng Makati, ang actor na si Enzo Pineda sa pagka-konsehal ng 5th district ng Quezon City. Ang field news reporter na si Doland Castro ay kandidato sa pagka-konsehal ng 1st district ng Quezon City.
Ang aktres na si Cristine Reyes ay tiyak na tututok sa kandidatura ng nobyong si Marco Gumabao sa Bicol sabay sa kapatid niyang si Ara Mina sa pagka-konsehal ng ikalawang distrito ng Pasig ang kapatid niyang si Ara Mina.
Marami ang tutulong sa kandidatura sa reelectionist for congress (1st district), ang actor na si Arjo Atayde, nariyan ang kanyang misis na si Maine Mendoza, mother na si Sylvia Sanchez at mga kapatid na sina Gela, Ria Atayde at mister nitong si Zanjoe Marudo at iba pa.
Parehong posisyon pa rin ang tatakbuhan ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, ang pagiging kinatawan ng ika-apat na distrito ng Leyte at bilang mayor ng Ormoc.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo X@aster-amoyo.