Antipolo

ANTIPOLO KADIWA POP-UP STORE

February 28, 2023 People's Tonight 742 views

Dinagsa ng mga mamimili ang mga sariwang gulay at iba pang produkto sa Antipolo Kadiwa Pop-Up Store. Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, ito ay handog ng lungsod sa mga Antipolenyo para may pagpipilian sa pamimili ng mga pagkain. Nasa ikatlong sunod na linggo na itong nagtitinda ng mura at sariwang gulay, prutas at karne. “Ka-Antipolo, ito ay bukas hanggang March 1, Miyerkules ng tanghali o hanggang mayroon pang supply,” sinabi ni Mayor Jun. Matatagpuan sa Sumulong Park, handog ito ni Mayor Jun sa mga residente ng Antipolo para sa mas abot-kayang bilihin para sa bayan.

AUTHOR PROFILE