Anne takot pa ring bumalik sa ‘It’s Showtime’

June 18, 2021 Aster Amoyo 1112 views

DAHIL sa pandemic, takot pa rin si Anne Curtis na bumalik sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime” maging sa paggawa ng pelikula. Last February pa siya bumalik ng Pilipinas kasama ang husband na si Erwan Heussaff at ang kanilang more than one-year-old daughter na si Dhalia Amelie mula sa Melbourne, Australia.

It was on December 2019 nang mag-leave of absence si Anne sa “It’s Showtime” maging sa paggawa ng pelikula under her home studio, ang Viva in preparation noon sa panganganak sa kanilang first baby sa Australia kung saan sila inabutan ng lockdown.

Mahigit isang taon bago sila nakabalik sa bansa.

Maja talent na rin si Jasmine

Jasmine Curtis-Smith

LAST May 2021 ay sabay-sabay na ipinakilala sa publiko ng bagong tatag na talent management company ng actress na si Maja Salvador bilang CEO sa tulong ng kanyang businessman boyfriend na si Rambo Nunez, ang Crown Artist Management, ang kanilang new talents. Kabilang dito sina Lauren Reid (sister of James Reid), Patty Ang, Jessie Salvador, Andrew Suleik, Gino Santos, Jarlo Base at Juel Espina. Kasunod naman dito ang paglagda ng nagbabalik-showbiz na si John Lloyd Cruz. At ang pinakabago ay ang nakababatang kapatid ng actress-host na si Anne Curtis, ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith na kumalas na after 10 years from her former talent manager na si Betchay Vidanes. Pero klinaro pareho nina Betchay at Jasmine na maayos ang paghihiwalay nilang dalawa.

Bukod sa CAM, si Jasmine ay may network contract with GMA.

Herbert nagbabalik bilang ama ni Puto

SIMULA ngayon, June 19, araw ng Sabado at 6 p.m. ay mapapanood na sa TV5 ang TV series na “Puto,” isang comedy-fantasy na adaptation sa pelikula of the same title na ipinalabas nung 1987 na pinagbidahan ng actor-comedian at politician na si Herbert Bautista, under Viva Films at pinamahalaan ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador.

Nagbabalik ang “Puto” bilang TV series but this time, gumaganap si Herbert bilang ama ng bagong “Puto” na si McCoy de Leon.

Tulad ng pelikula, magkakaroon ng magical powers si Puto, isang teen-ager na madalas nabu-bully ng kanyang mga kaklase. Hindi alam ni Puto (McCoy) na half-duwende pala siya.

Makakasama nina Herbert at McCoy sa “Puto” ang Beks Battalion na sina Chad Kinis, MC Calaquian at Lassy Marquez together with Rafa Siguion-Reyna, Carlyn Ocampo, Andrew Muhlach at iba pa. Ito’y mula sa direksiyon ni Raynier Brizuela na siyang nagdirek ng indie movie na “LSS: Last Song Syndrome” na tinampukan ng real-life sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Ang nasabing weekly series ay mapapanood din tuwing Sunday at 5 p.m. on Sari-Sari channel, Cignal channel 3 at sa SatLite Channel 30.

Magkakaroon din ng special participation sa “Puto” TV comedy-fantasy series sina Janno Gibbs, Bing Loyzaga at Gelli de Belen na kasama sa original Puto movie.

Aurora, Pamela at iba pa, nasa Viva na rin

NON-stop din ang pag-sign-up ng Viva ng mga new and old talent and transferees from other networks and talent managements.

Noong Friday, ipinakilala ng Viva Artists Agency ang kanilang pinakabagong contractee, ang dating Star Magic talent na si Jairus Aquino (22) na isa sa mga homegrown talents ng ABS-CBN na nagsimula nung 2006 sa TV series na “Super Inggo”. Balik-Viva rin ang actor na si Jay Manalo.

Lumagda rin ng management contract with VAA ang dating beauty queen at veteran actress na si Aurora Sevilla maging ang kanyang 19-year-old daughter na si Aliyah Sevilla. Nasa bakuran na rin ng Viva ang dating sexy star-director na si Pamela Ortiz. Now in her 40’s napakaganda pa rin ni Pamela na nag-venture na rin sa pagdidirek ng indie movies.

Si Aurora ay nanalong Mutya ng Pilipinas-World in 1984 and represented the country sa Miss World competition held in London. Nanalo rin siyang Miss Press Photography a year before. She was so popular in the mid-80’s at naging in demand leading lady ng mga action star tulad nina Ramon Revilla, Sr., Ramon `Bong’ Revilla, Jr., Phillip Salvador, Lito Lapid at iba pa.

Aurora was at the peak of her career nang siya’y magumon sa drugs at sumailalim ng rehab. She lost all her properties na kanyang pinaghirapan pero unti-unting bumangon nang isilang ang kanyang dalawang anak na mag-isa niyang binuhay.

After 24 years ay nagbalik-showbiz si Aurora pamamagitan ng “The Killer Bride” TV series in 2019 na tumagal sa ere ng mahigit isang taon.

Si Pamela naman ay sumikat nung dekada nubenta until early 2020’s bilang sexy actress na nakagawa ng maraming sexy films tulad ng “Alipin ng Tukso,” “Anghel de la Guardia,” “Namumulang Rosas,” “Virgin Wife” at iba pa.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE