Anne Anne Curtis

Anne, Maxene umayon sa pagpasa ng divorce bill sa Pilipinas

May 31, 2024 Eugene E. Asis 551 views
Maxene
Maxene Magalona

MATAPOS aprubahan ng Kongreso ang Divorce Bill sa huling pagbasa, marami ang sumang-ayon dito.

Ang nakakasorpresa, marami sa kanila ay babae.

Kabilang na rito ang mga aktres na sina Anne Curtis at Maxene Magalona.

Ayon kay Anne, napapanahon na para maipasa ang Divorce Law sa Pilipinas. Sa X, nag-share si Anne ng isang post na may kaugnayan sa isang informal survey sa boto ng mga mambabatas na isinagawa ng Senate Protempore na si Jinggoy Estrada. Ilan sa mga nagsabing ‘No’ ay sina Jinggoy, Senate President Francis Escudero, at mga senador na sina Francis Tolentino, Joel Villanueva at Ronald ‘Bato’ de la Rosa.

Samantala, nag-yes naman sina Sens. Grace Poe, Risa Hontiveros, Imee Marcos, at Pia Cayetano. Si Sen.Robin Padilla ang nag-iisang lalaking senador na umayon sa naturang bill.

“Puro lalake ung nag no [laughing emoji],” post ni Anne.

Umayon din si Anne sa paniniwala ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang divorce bill ay hindi makasisira ng sakramento ng kasal.

Kasal si Anne sa Filipino-French restaurateur na si Erwan Heussaff.

Ang Pilipinas lamang, maliban sa Vatican, ang natatanging bansa na wala pang diborsyo dahilan sa malalim na ugat ng Katolisismo nito.

Ayon kay Maxene Magalona, kailangan na natin ang divorce, laluna sa mga taong nakulong sa mapag-abusong relasyon.

“I am writing this to show my support and empathy for all of the Filipinos who feel trapped in toxic marriages and can’t find a way out—especially the ones who are experiencing abuse on a daily basis,” ayon kay Maxene.

Ayon sa 37-year-old actress, na nahiwalay sa kanyang dating mister na si Rob Mananquil noong 2022 pagkatapos ng apat na taong pagsasama, hindi garantisadong magbubuklod ang kasal sa dalawang tao habambuhay dahil may mga nagbabago sa takbo ng panahon.

“Isang malaking risk ang pagpapakasal,” ayon kay Maxene. “Nagdadasal lang tayo na sana nga panghabangbuhay ito, pero kapag lumabas na ang tunay na kulay ng isa, doon na nagsisimula ang problema.”

Sagrado ang kasal, ayon kay Maxene. Pero hindi nangangahulugan na hindi ito mauuwi sa traumatic na pagsasama.

Sa ngayon, ang Kapamilya actress ay sinasabing may bago nang karelasyon sa katauhan ng dating director at DJ na si Geoff Gonzalez.

Noong May 22, inaprubahan ng Kapulungan sa huling pagbasa ang Absolute Divorce Act, or House Bill 9349, pagkatapos itong makatanggap ng 131 affirmative votes, 109 negative votes, at 20 abstentions.

Noong May 29, ang naturang bill ay nahaharap pa sa pagkaantala sa Senado sa kabila ng pag-apruba rito sa pangatlo at at huling pagbasa.

AUTHOR PROFILE