Anne

Anne handa nang bumalik

May 26, 2022 Aster Amoyo 459 views

SHE may not have the voice of Asia’s Songbird Regine Velasquez and other `Birit Queens,’ but there is no doubt that actress, performer, celebrity endorser, TV host, entrepreneur and social media influencer Anne Curtis has her very own charm and drawing power to fill up The Big Dome (Araneta Coliseum) which she has proven several times over. Hindi ito kayang gawin kahit ng ilang de-kalibreng singer-peformers ng bansa.

It was on January 29, 2012 nang ganapin ang kauna-unahang live concert ni Anne sa Araneta Coliseum na pinamagatang “Annebisyosa” with good friend and “It’s Showtime” co-host na si Vice Ganda as special guest. To her surprise, Anne was able to fill up the huge venue. Two years later, sinundan ito ng “Anne Curtis: The Forbidden Concert” sa Big Dome nung May 16, 2014. Four years later on August 18, 2018, Anne came up with her “AnneKulit: Promise, Last Na `To”. The concert coincided sa kanyang 21st anniversary in showbiz at tulad ng kanyang mga naunang major concerts at the Araneta Coliseum, muli niya itong napuno.

It was on December 2019, when Anne decided to take a leave of absence sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime” para bigyang-daan ang kanyang pagbubuntis at panganganak sa kanilang first baby ng husband na si Erwan Heussaff sa Australia nung March 2, 2020.

Although nung February 2021 pa nakabalik ng Pilipinas ang mag-asawang Anne at Erwan with their baby, Dahlia Amelie, Anne decided to extend her leave from showbiz to take care of her daughter and attend to her family’s needs. Pero ngayong unti-unti nang nago-open up ang lahat, Anne is ready to make her showbiz comeback.

Sa araw na ito ng Biyernes ay may special announcement na ibabahagi si Anne sa kanyang Instagram account at marami ang nagsasabi na may kinalaman ito sa kanyang muling pagbabalik sa “It’s Showtime” maging ang kanyang muling paggawa ng pelikula sa kanyang home studio, ang Viva. Pero bago ito, mas nauna niyang ibinahagi ang pagbabalik niya sa concert scene sa pamamagitan ng kanyang special concert on June 11 (Saturday) na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, ang “LUV-ANNE” to be directed by singer and concert stage director Paolo Valenciano. Si Teacher Georcelle Dapat-Sy naman ang in-charge sa choreography with Maestro Louie Ocampo as musical director. Ito’y jointly produced ng Resorts World Manila, Viva Live at ni Anne mismo.

Marami ang natuwa sa announcement na ito ni Anne at ng Viva lalupa’t mahigit dalawang taon ding naging inactive ang actress-host sa kanyang showbiz career to focus more sa kanyang pagiging hands-on mother kay Baby Dahlia who turned two years old last March 2.

Anne and Erwan will celebrate their 5th wedding anniversary on November 12. The celebrity couple ay ikinasal sa Queenstown, New Zealand on November 12, 2017.

KahtnielKathniel1Kathniel2Kathniel3

KathNiel sa Thailand nag-celebrate ng 10th anniversary

SA Chiang Mai, Thailand nag-celebrate ng kanilang 10th anniversary bilang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nauna nang nagtungo ng Thailand ang magkaibigang Kathryn and Alora Sasam at sumunod na lamang si Daniel dahil tinapos muna nito ang All-Star Games ng Star Magic na ginanap sa Araneta Coliseum last Sunday, May 22. The the next day, May 23 ay lumipad na si Daniel patungong Thailand at nag-enjoy ang magkasintahan sa kanilang pakikipag-bonding sa elephants doon.

Through the years, lalo lamang tumibay ang relasyon nina Kathryn at Daniel hindi lamang bilang magka-loveteam kundi maging sa totoong buhay.

Kung si Daniel ang tatanungin, handang-handa na umano siyang lumagay sa tahimik with Kathryn pero hinihintay na lamang daw niya na maging handa ang kanyang magiging future wife at magiging ina ng kanyang mga anak.

Mickey

Mickey gustong bumalik bilang TV host

SA aming exclusive na panayam with actress-host na si Mickey Ferriols for our “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube, inamin nito na kahit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng actor-comedian at dancer na si Archie Alemania, nanatili umano silang magkaibigan nito dahil na rin sa kanilang kaisa-isang anak na si Brent Marcus Alemania (16). She’s even grateful sa wife ngayon ni Archie na si Gee Canlas dahil maganda ang trato nito kay Brent.

“Kahit matagal na kaming hiwalay ni Archie, never na na-feel ng anak namin na hindi kumpleto ang pagmamahal sa kanya ng kanyang parents,” pahayag ni Mickey who at 49 ay napakaganda pa rin.

Brent stays with his mom na si Mickey but sees his dad regularly at close din siya sa kanyang step-mom na si Gee maging sa kanyang half-sibling.

Si Mickey ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) and she still longs to do hosting job just like before.

For sometime, si Mickey na nagsimula bilang TV commercial model endorsing various products at kasama na rito ang kanyang popular PLDT commercial bago siya napunta sa telebisyon at maging bahagi ng “Eat Bulaga” bilang isa sa co-hosts. Naging bahagi rin siya ng “Unang Hirit” ng GMA at “Magandang Tanghali Bayan” on ABS-CBN kung saan niya nakilala si Archie Alemania. Kasunod na rito ang kanyang pagpasok sa acting job.

When she got suspended to work for three years na siyang ipinataw sa kanya noon ng Professional Artists Management, Inc. (PAMI), she got depressed and salmost gave up. But after three years, muli siyang nakabalik sa kanyang showbiz career.

“Ang buong akala ko noon ay katapusan na ng (showbiz) career ko pero sa awa ng Diyos ay nakabalik naman ako pero siyempre, nasayang yung tatlong taon sa career ko,” may tonong panghihinayang si Mickey.

“But God is good all the time. I just depended on Him kung ano talaga ang magiging direksiyon ng buhay ko and I just followed His will,” aniya.

During the peak ng lock-down dahil sa pandemic, Mickey focused on her paintings, isa sa mga talent na hindi alam ng marami.

Samantala, don’t be surprised kung isa sa mga araw na ito ay mapapanood na rin sa telebisyon at pelikula ang anak nila ni Archie na si Brent dahil gusto rin umano nitong sumunod sa mga yapak nila ng kanyang ama.

AUTHOR PROFILE