Anabelle

Annabelle sa hiwalayang Richard-Sarah: Malalaman niyo kung sino ang walanghiya na kontrabida

December 9, 2023 Vinia Vivar 223 views

Nagsalita na si Annabelle Rama hinggil sa mga akusasyon sa kanya ng mga tao kaugnay ng rumored breakup ng anak na si Richard Gutierrez at misis nitong si Sarah Lahbati.

Si Tita Annabelle kasi ang sinisisi ng ibang mga Marites kung bakit naghiwalay ang mag-asawa.

Ngayong gabi ay nag-post ang ina ni Chard sa kanyang social media pages (Facebook and Instagram) at idinepensa ang sarili laban sa mga akusasyon sa kanya.

“Mga Chismosang Marites!!

“Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news,” simula ni Tita Annabelle.

Aniya ay malalaman din ng mga tao ang totoo na ikaka-shock ng lahat.

“Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time.

“Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida. Mali ang bentang nyo sa akin,” aniya.

“Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina. Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis,” patuloy niya.

Nagkwento rin siya nang pahapyaw sa mga nangyari at sinabing huwag siya ang sisihin.

“Nagulat nalang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi,” sey pa niya.

Gigil na gigil na nga raw siyang ikwento ang nangyari pero pinagbawalan lang siya ng lawyer.

“Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita . Mag enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata,” aniya,

Bilang pangwakas, paglilinaw pa ni Tita Annabelle, “Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko.”

AUTHOR PROFILE