Anna

Anna, level up bilang main host ng ‘Negosyo Goals Season 2’

July 20, 2023 Ian F. Fariñas 399 views

MULA sa pagiging segment host ay nag-level-up ang negosyanteng si Anna Magkawas sa pagiging main host ng season 2 ng programang Negosyo Goals sa AllTV.

Produced ng Maker’s Mind Media Production, matatandaan na ang dating main host nito ay si Gerry “Mr. Freeze” Santos.

Tinapos lamang nito ang season 1 at ngayon nga ay nag-move on na sa iba niyang endeavors.

Sa ginanap na mediacon kahapon, ipinaliwanag ng producer na si Ivy Ataya na walang anumang bad blood sa pagitan ng Maker’s Mind at ni Mr. Freeze.

Imbes na maghanap pa ng hahalili rito, grateful si Ivy na tinanggap ni Anna ang alok na maging main host ng Negosyo Goals Season 2.

Pag-amin naman ng founder/owner ng Luxe Skin/Slim, noong una ay medyo nahirapan lang siya sa pagma-manage ng oras niya para sa show, pamilya at negosyo. Pero eventually, sa tulong ng proper time management, nakapag-tape na sila ng ilang episodes nito.

Para sa Maker’s Mind, perfect choice si Anna sa Negosyo Goals dahil sa lawak ng experience nito bilang content creator, socmed personality, brand ambassador at CEO ng sariling health and beauty wellness company.

May talento rin si Anna na maka-connect sa audience at mag-inspire ng iba pang Pinoy entrepreneurs para magkwento ng kani-kanilang success stories, challenges at lessons learned pagdating sa pagnenegosyo.

Kitang-kita naman kung paano napagwagian ni Anna ang mga pagsubok sa sariling negosyo. Mula sa pagiging humble seller, big time na ang Luxe Skin ngayon na halos ‘di na mabilang ang mga celebrity endorser.

Kabilang sa listahan nito ang mga sikat na personalidad tulad nina Andrea Brillantes, Viy Cortez, Zeinab Harake, Aubrey Miles, Sarah Lahbati at marami pang iba.

Ang Negosyo Goals Season 2 ay mapapanood sa AllTV tuwing Linggo, 11:30 a.m., simula July 30.

AUTHOR PROFILE