PBB

Anji naging emosyonal nang tanghaling PBB big winner

May 30, 2022 Aster Amoyo 641 views

NAGING emotional ang 18-year-old singer-actress at Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Big Winner na si Anji Salvacion (Angie Kristine Allen Salvacion Gorbulev) matapos i-anunsyo ng PBB host na si Bianca Gonzales ang kanyang pagiging big winner sa katatapos pa lamang na edisyon last Sunday, May 29 kung saan magkakasunod ding nanalo ang 2nd to 4th placer na sina Isabel Laohoo, Samantha Bernardo, Rob Blackburn at Brenda Mage.

Si Anji ang nakapag-uwi ng P2,000,000 cash prize na sinundan ni Isabel at P500,000, Samantha at P300,000, Rob at P200,000 at si Brenda at P100,000.

Si Anji, dubbed as “The singing sweetheart of Siargao” ang siyang nakakuha ng may pinamalaking boto with 40.42% na sinundan ni Isabel at 18.20% habang si Samantha naman ay 16.28% ang nakuha. Malayo naman ang votes na nakuha ni Rob at 4.01% habang si Brenda ay nakakuha lamang ng 1.91%.

Si Anji ay sinalubong sa outside world ng kanyang ina na hindi rin naiwasan ang maging emotional tulad ng kanyang anak.

Dumalo ang lahat ng mga ex-housemates ng PBB: Kumunity Season 10 both sa adult celebrity edition at teen edition maging ang kauna-unahang Big Winner ng PBB na si Nene Tamayo.

Lahat naman ex-PBB housemates ang nag-host ng huling gabi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na pinangunahan ni Bianca Gonzales na siya ngayong main host ng nasabing reality show na iniwan ni Toni Gonzaga. Ang iba pang host ay sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Kim Chiu kasama sina Richard Juan at Sky Quizon.

Ang ABS-CBN COO na si Cory Vidanes ang nag-anunsyo ng Big Winner at 2nd placer.

Si Anji ay nasa pangangalaga ngayon ng Star Magic at kabilang na rin siya sa miyembro ng mga mga kabataan ng Squad Plus.

After winning the PBB Kumunity Season 10, hindi kami magtataka kung magiging bahagi na rin si Anji sa top-rating and long-running Sunday musical show, ang “ASAP Natin `To” at sa iba’t ibang programa at pelikula ng Kapamilya.

Seth

Francine at Seth matapos humiwalay kay Andrea

BUWAG na ba ang tinaguriang Gold Squad nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin? Ang Gold Squad ay nabuo sa hit afternoon TV drama series na “Kadenang Ginto” kung saan ang apat na young actors ang mga pangunahing bituin kasama sina Dimples Romana, Albert Martinez, Beauty Gonzales at iba pa. Ang nasabing serye ay nasundan ng primetime TV series na “Huwag Mangamba” kung saan tampok din ang apat.

Tulad ng ibang magkaka-love team, may katapusan din ang lahat pero umaasa pa rin ang kanilang respective fans na sana’y tuluy-tuloy pa rin ito sa kabila ng iba’t ibang direksyon na tinatahak ng apat na teen stars.

Ngayong bukas na ang relasyon ni Andrea sa young basketball player na si Ricci Rivero at si Kyle naman ay nali-link sa Kapamilya at Instagram star na si Chie Filomeno, sina Francine at Seth naman ang pinagtatambal ngayon ng Dreamscape sa kanilang bagong serye, ang “Dirty Linen” kung saan din tampok na mga bituin sina Janine Gutierrez, Jennica Garcia at Zanjoe Marudo.

Kung matatandaan pa, sina si Seth ay nakitang kasama ang pamilya ni Francine last January 2022 na siya umanong pinagmulan ng tampuhan sa pagitan nina Andrea at Francine. Pero klinaro ng huli na wala umano silang ugnayan ni Seth liban sa pagiging magkaibigan at co-worker.

Sina Andrea at Seth ay may dalawang taon ding naging magkasintahan pero nagkahiwalay ang dalawa nung October 2021.

Sa ngayon ay pareho pa ring loveless sina Francine at Seth pero hindi masabi ng dalawa ang puwedeng mangyari sa hinaharap lalupa’t pareho naman silang single and unattached.

Samantala, bukas pa rin si Seth na makatrabaho ang ex-girlfriend na si Andrea na nanatiling kaibigan niya hanggang ngayon.

Ayon sa ex-PBB housemate-turned young actor, wala umano siya sa poder na mamili ng kanyang makakatrabaho dahil sumusunod lamang umano siya sa gusto ng mga bosses ng ABS-CBN.

TitosenRyzza Mae balik Eat Bulaga na

MATAPOS ang mahigit dalawang taong pagkawala sa “Eat Bulaga” dahil sa pandemic, balik studio na ang 16-year-old former Little Miss Phippines and “Aling Maliit” na si Ryzza Mae Dizon na tuwang-tuwa to get reunited with the program’s Dabarkads at sa mga bagong miyembro ng programa na sina Maja Salvador at Miles Ocampo habang home-based pa rin ang main hosts na sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Ryzza Mae rose to prominence nang siya’y tanghaling Little Miss Philippines in 2012. Isa itong popular segment ng top-rating and long-running noontime program, ang “Eat Bulaga” na mahigit 42 years nang namamayagpag sa ere.

Samantala, ngayong magtatapos na ang termino ni Senate President Tito Sotto sa senado, bumalik kaya ito sa kanyang hosting job sa “Eat Bulaga” along with the two other original hosts ng programa na sina Vic Sotto at Joey de Leon?

Ang Tito, Vic & Joey ang original main hosts ng “Eat Bulaga” na nagsimula nung July 30, 1979 and will be celebrating their 43rd anniversary sa darating na July 30, 2022.

Magtatapos man ang political journey ni Tito Sen (Tito Sotto) ngayong June 30, 2022, sa edad na 73, maipagpapatuloy naman nito ang iba pa niyang interest tulad ng pagbabalik-Eat Bulaga, pagku-compose ng kanta at pagiging record producer kung nanaisin nito. Pero higit sa lahat, gusto niyang bumawi sa kanyang misis, ang veteran singer-actress na si Helen Gamboa-Sotto, sa kanilang mga anak at mga apo.

VicBossing Vic pantay-pantay ang trato sa mga anak

LAST April 28, veteran TV host, singer, composer and producer Vic Sotto turned 68. Siya ang bunso sa apat na magkakapatid na sina Val, Tito at Maru.

Vic has five children (sa apat na magkakaibang babae). Dalawa sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie na sina Danica at Oyo, isa kay Coney Reyes na si Vico Sotto, ang mayor ng Pasig, isa sa dating aktres na si Angela Luz na si Paulina Luz-Llanes at isa sa kanyang present wife na si Pauleen Luna-Sotto na si Tali (turning 5 on November 5).

May walo na rin siyang grandchildren, lima sa kanyang anak na si Oyo at wife nitong si Kristine Hermosa, dalawa sa kanyang panganay na si Danica at husband nitong si Marc Pingris at isa naman kay Paulina at mister nitong si Jed Llanes.

Pero ang maganda kay Bossing (Vic), he does not play favorites sa kanyang mga anak at mga apo na pantay-pantay ang kanyang pagtingin bagama’t kay Tali lamang siya naging hands-on dad magmula nang ito’y isilang.

Sen. Win hinihintay pa rin ang proposal kay Bianca

MARAMI ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpu-propose si Sen. Sherwin `Win’ Gatchalian sa kanyang girlfriend of more than three years, ang dating flight attendant and former beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo.

It was in November 18, 2021 when the couple celebrated their third anniversary bilang magkasintahan.

Bago si Bianca ay naging kasintahan din ng senador ang actress-host na si Pauleen Luna bago ito naging misis ng veteran host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE