
Angeline, muntik makipagsapakan dahil sa action star boyfriend
Matindi rin pala magmahal si Angeline Quinto dahil napakagalante niya sa dyowa at tipong “all mine to give.”
Inamin niya sa kanyang latest vlog na nabigyan niya ng motor at kotse ang dating boyfriend.
Sa naturang vlog ay sinagot ni Angeline ang mga tanong na puro tungkol sa kanyang lovelife at isa nga rito ay kung nagpautang na ba siya sa dyowa.
“Kahit hindi naman sila nangungutang, parang alam na alam na nila kung saan sila kukuha ng (pera), alam nila ‘yung wallet ko, eh. Parang diretso na, parang ganu’n. Ewan ko.
“Nakasanayan nila. Kasi alam n’yo naman ako, ’di ba, mapagbigay akong tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga’t may maibibigay akong tulong. WEH siyempre, dyowa ko pa, siyempre, ’pag dyowa n’yo mahal ninyo,” sey ni Angeline.
“Halimbawa, mayroon akong 3,000 (pesos) sa isang araw, kapag kasama ko siya, pag-uwi ko, 200 na lang. Pero okay lang kasi, mahal ko.
“Basta ganu’n. Hindi na siya nagpapaalam minsan, kuha na lang siya nang kuha. Pero hinahayaan ko, eh.
“Binigyan ko pa nga ng motor,” sey niya sabay-tawa kaya akala namin ay nagbibiro.
Pero true raw.
“Totoo, nakapagbigay ako ng motor, ng sasakyan,” pag-amin niya ulit.
Dagdag pa niya, “Totoo naman, eh. Bakit ko naman hindi sasabihin sa inyo? ‘Yun lang, share ko lang sa inyo, nakapagbigay ako ng motor saka ng kotse. Siguro sa future, baka bahay, wow!”
Inamin din niyang may naging boyfriend siyang action star at muntik pa siyang makipagsapakan sa isang babae dahil dito.
“Hindi naman ako masamang tao. Kapag ako lang ‘yung masyadong inaagrabiyado, siyempre kahit naman sino tayo, darating tayo sa pagkakataon na ipagtatanggol mo ang sarili mo.
“Masyado akong napikon sa isang babae. Napikon talaga ako. Sa out of the country show ito,” tsika niya.
“Kung tutuusin, may umawat lang sa aking isang artista rin, eh. May isang artista at isang make-up artist lang na umawat sa akin. Kung hindi, nasapak ko talaga ‘yang babae na ‘yan,” kwento pa ng singer.
Sino kaya ang mga blind item na ito ni Angeline?
NAIIPIT SA KASO
Masyadong naiipit na si Rita (Yam Concepcion) sa kasong kinasasangkutan ng kanyang asawang si Peterson (JM de Guzman) at ina nitong Olivia (Tetchie Agbayani) laban sa mga tao sa bayan ng Talisay, sa Init Sa Magdamag.
Pinili man niyang hindi tumestigo laban sa kanyang biyenan, nakipagtulungan pa rin si Rita kay Tupe (Gerald Anderson) para mailabas ang katotohanan na ang ina ng asawa niya ang nag-utos para lagyan ng lason ang tubig ng nasabing bayan.
Gayunpaman, mukhang hindi pumapanig sa kanila ang katotohanan lalo pa at magaling mambaliktad ng katotohanan ang kinuhang abogado ni Olivia Alvarez. Kaya naman labis siyang nababahala sa sasapitin ng mga tao ng Talisay.
Habang ginagawa naman ni Tupe ang lahat ng kanyang makakaya para mahanap ang hustisya para sa kanya at sa kanyang komunidad, labis naman siyang nababahala sa sitwasyong kinahaharap ng dating nobya.
Mula sa Star Creatives, panoorin ito gabi-gabi, 9:20, sa A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV, TV5 at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Para sa mga manonood na gumagamit ng digital TV box gaya ng TVplus, i-rescan lang ito para makuha ang TV5.
Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel.
Ang advance episodes nito ay mapapanood sa iWantTFC at WeTV iflix.