
Angeline itinanggi na apat ang panganay ng mister sa iba’t ibang babae
Nilinaw ni Angeline Quinto na dalawa lang ang anak ng mister niyang si Nonrev Daquina sa una nitong nakarelasyon, taliwas sa mga lumalabas na tsismis na apat ang panganay nito sa iba’t ibang babae.
Sa isa sa mga Instagram post ni Angeline ay may netizen na nagkomento tungkol sa mga panganay na anak ni Nonrev at sinagot ito ng singer.
Sey ng basher, “ndi m masisi public figure si angge tas yung guy may history na 4 na panganay… sana nga iba sya… bka mmya in the end mgrant dn sya kagaya ke pokie.”
Sagot ni Angeline, “I’m sorry, dalawa lang ang naging unang anak niya sa una.
Pinayuhan naman ng kanyang fans si Angeline na huwag nang magpa-stress sa mga basher, lalo pa nga ngayon na buntis ito sa 2nd baby nila ni Nonrev.