Angelica

Angelica, pinuri ng netizens sa pag-aalaga sa anak na may sakit

August 28, 2023 Vinia Vivar 386 views

Ibinahagi ni Angelica Panganiban ang apat na araw na journey nila sa pagkakasakit ng 11-month-old daughter na si Amila Sabine o Baby Bean.

Ayon sa aktres, ito ang first time na nagkasakit si Bean simula nang ipanganak niya ito.

May lagnat, sipon at ubo ang bagets at halos round the clock talaga ang pagmo-monitor ng first-time mom.

Mapapanood sa video ang pagka-hands-on mommy ni Angelica at talagang siya mismo ang nagpapainom ng gamot at nag-aalaga sa anak.

Of course, tinutulungan din siya ng partner niyang si Gregg Homan kapag dumarating ito galing sa trabaho.

Good thing, kahit may sakit ay masigla naman si Baby Bean at naglalaro pa na siyempre ay kasama ang kanyang mommy.

Makikita rin sa video kung gaano kasaya si Angelica being a mom at kung gaano niya ini-enjoy ang pagiging isang ina.

Mapapanood din ang pagbi-breastfeed niya sa kanyang baby.

Sa buong video ay walang ka-make-up-make-up si Angelica na parang isang ordinaryong nanay at maybahay lang pero super ganda pa rin niya, in fairness.

Bandang huli ay may sakit na rin siya dahil siguro kulang sa tulog at pagod sa pag-aalaga kay Bean.

At the end of the video ay ibinalita niyang four days nang may sakit ang kanyang anak at pabalik-pabalik pa rin ang lagnat.

Nagpasya na siyang ipahilot ito dahil payo raw ng matatanda at wala namang mawawala sakaling sumunod siya.

Caption ni Angelica sa video, “Oh No! Our Bean got a fever and we’re pretty much stuck here in Subic. As a first time parents, it’s really hard to see when your baby’s sick. We know mom’s and dads can relate. Hoping she recovers quickly. How about you fam hope you can also share some tips pag may sakit si baby?”

Pinuri naman ng netizens si Angelica sa kanyang pagka-hands-on mommy.

Sa ibang nanay naman ay nagsilbi ring inspirasyon ang vlog dahil sa maayos, relaxed at sistematikong pag-handle ng aktres sa pagkakasakit ng anak.

AUTHOR PROFILE