Tami

Angeli at Azi, back-to-back ang pasabog sa Vivamax

January 27, 2024 Ian F. Fariñas 183 views

SalawahanWalang humpay ang pasabog na erotic movies sa Vivamax dahil parating na ang Salawahan at Pantasya ni Tami.

Isang love triangle ang mabubuo sa mga karakter nina Angeli Khang, Albie Casiño at Van Allen Ong na guguluhin pa lalo ni Itan Rosales sa Salawahan mula sa direksyon ni Jeffrey Hidalgo.

Si Melanie (Khang) ay isang interior designer na girlfriend ni Martin (Casiño). Inaasikaso niya nang maigi si Martin pero nang mag-propose sa kanya ng kasal, hindi pa handang magpatali si Melanie. Live-in muna ang kaya niya sa ngayon.

Si Martin naman ay isang physical fitness trainer at gym owner, at dahil busy din sa trabaho, pumayag siyang i-postpone muna ang kasal.

Nang malamang pauwi mula sa Australia ang kapatid na si Leo, agad niya itong inimbitahan sa “live-in dinner” nila ni Melanie. Imbitado rin ang pinsan ni Melanie na si Angie (Shiela Snow).

Pwede sanang magka-develop-an sina Angie at Leo, pero walang interes si Leo rito. Si Melanie ang gusto niya, at kahit bawal, hindi niya magawang lumayo rito. Lumipat pa siya sa katapat na bahay nina Melanie at Martin, at nagmamatyag gamit ang binoculars.

Bukod kay Leo, may isa pang nagmamatyag kay Melanie. Ang lalaking ito (Rosales) ay nakilala niya sa bar dalawang taon na ang nakaraan.

Ngayon, nagbabalik siya para ituloy ang kanilang romansa.

Sa tatlong lalaking nahuhumaling sa kanya, kailangang mamili ni Melanie. Siguradong merong masasaktan nang lubusan.

Saksihan ang lalim ng sakit at panganib na pwedeng idulot ng pagtataksil sa Salawahan.

Sa February 2 naman, subaybayan si Azi Acosta sa mundo ng cosplay sa Pantasya ni Tami.

Si Tamara “Tami” Navarro (Acosta) ay produkto ng broken family at hindi rin sinuwerte sa lovelife. Para makalimot sa kalungkutan, itinuon niya ang sarili sa cosplaying. Sa anime convention, na-enjoy niya ang paghanga ng mga tao.

Para matustusan ang magastos niyang hilig, tinanggap niya ang alok ni Ken (Jiad Arroyo), isang photographer na kunan siya ng mga sexy na litrato para ibenta. Hindi maiwasang maging sekswal ang kanilang relasyon.

Samantala, papasok sa buhay niya si Gelo (Ali Asistio), na malaking tagahanga niya. Mai-in love ito sa kanya at sa kabila ng kanyang takot sa relasyon, may mararamdaman din si Tami para kay Gelo.

Kaya ba niyang ipagpalit ang no-strings attached at puro pisikal na samahan nila ni Ken para sa pag-ibig ni Gelo na malaking emotional risk?

Para i-stream ang Pantasya ni Tami at Salawahan, pumunta lamang sa vivamax.net.

AUTHOR PROFILE