Default Thumbnail

Ang reklamo kay Antiporda

November 18, 2022 Allan L. Encarnacion 313 views

Allan EncarnacionNITO lang isang araw, naglabas ng six month-preventive suspension order si Ombudsman laban kay National Irrigation Administrator Benny Antiporda.

Ang kaso ay administrabo kaugnay ng reklamo ng mga na-promote at mga nabulyawang empleyado. Take note, na-promote.

Okey lang naman ito, karapatan naman ng kahit sino ang magreklamo, lalo na kung sa tingin nila ay inapi sila ng kanilang boss.

Mahigit isang buwan pa lang o baka nga wala pang isang buwan naisampa ang reklamo sa Ombudsman.

Szzaaaammmm!!! Matapos lang ang ganito kaigsing panahon, may suspension order na agad si Antiporda. Sabi nga ng masarap na ham, excellente!

Ito ngayon ang tanong, bakit espesyal umano ang reklamo kay Antiporda? Espesyal na may ice cream sa ibabaw, may leche flan at macapuno pa sa gilid!

Ang suggestion natin kay , dapat malagyan din ng mga ube at langka ang kaso ng mga alkalde, mayor, governador at iba pang public officials na may kaso pa ng graft.

Iyong dalawang dating alkalde dito mismo sa Metro Manila, kinasuhan ng graft dahil nag-ghost delivery at pineke ang mga supplies.

Bakit kaya kahit isang oras ay hindi man lang nasuspindi ang mga tinamaan ng kulog na ito?

[email protected]