
Ang kakaibang set-up ng relasyon nina Emil at Salome
KAKAIBA ang set-up ng live-in partners, ang seasoned actor na si Emil Sandoval (from the Salvador and Meily clan) at ang adult content creator at VMX star na si Salome Salvi which they consider an open relationship.
Unconventional mang maituturing ang relasyon nina Emil at Salome, it works for them at pareho nila ito gusto. Salome still sees other men. Although ganundin dapat si Emil, hindi na umano niya ito ginagawa (sa ibang babae) dahil lumipas na sa kanya ang pagiging `chickboy’ kaya siya nagkaroon ng anim na anak na magkakaiba ang nanay. But he allows his partner na si Salome to do her thing outside of their relationship dahil bukod sa bata pa umano ito, napagkasunduan umano nila ito sa simula pa lamang ng kanilang relasyon.
Salome made it clear with Emil na maging open ang kanilang relasyon if they both wanted it to work for them, bagay na sinang-ayunan naman ng actor,
Kahit mahal niya si Emil, ayaw umano niyang ma-limit ang kanyang pag-entertain sa ibang guys dahil dito umano siya masaya. In our exclusive interview with the couple (para sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel), inamin ni Salome that it’s been years that she has been estranged from her parents and living independently . Ayon sa kanya, she was verbally and physically abused by her parents at hindi umano siya nakaramdam ng katiting na pagmamahal mula sa mga ito since she was a kid kaya lumaki siyang may hinanakit, sama ng loob at galit. Lalo pang napalayo ang kanyang kalooban sa kanyang parents nang magsimula siyang gumawa ng adult content and eventually magpa-seksi sa kanyang mga pelikula under VMX.
In the course of our interview, naramdaman namin na full of hurt, pain and hatred ang puso ni Salome sa kanyang parents at kung hindi ito tatanggalin ng sexy star ay siya rin ang magsa-suffer in the end.
But her growing up trauma, bullying, depression and past experiences made her a stronger person as she is today. She admitted that she sought for professional help in terms of her mental health issues at malaki umano ang naitulong nito sa kanya on how she’s able to discover herself and slowly came to terms with herself, self-love and her new discoveries related to art.
Unknown to many, Salome Salvi (her screen name) took Fine Arts bilang state scholar at the University of the Philippines. After college, marami siyang naging trabaho from being a copy writer and working for a BPO company pero meron umano siyang hinahanap na iba kaya nag-quit siya sa kanyang regular job. She’s also a painter. Until she found herself creating adult content na sobra umano niyang nagustuhan.
Emil and Salome met at Viva office kung saan sila parehong contract talents at gumagawa ng proyekto for VMX. Na-kyutan si Emil kay Salome although at first ay hindi umano receptive si Salome sa interes sa kanya ng actor because of their age gap na 26 years. Ang closeness ng dalawa ay na-develop nang magkatrabaho sila sa ilang VMX movie projects hanggang sa maging sila and they’re now in an open modern relationship na may walong buwan na rin ngayon.
Since malaki ang kanilang agwat mas madalas ang sexy actor na si Emil ang umuunawa kay Salome kapag ito’y may sumpong pero never pa umano silang nag-away.
Samantala, si Emil ang biological father ng Star Magic talent na si Ethan Salvador na nag-desisyong bumalik ng Amerika matapos umano itong ma-heartbroken sa kanyang ex-girlfriend na isa umanong beauty queen.
“Nanghihinayang nga ako dahil unti-unti nang gumaganda ang takbo ng kanyang {Ethan) career dito,” ani Emil.
Tulad ng kanyang nobyang si Salome, wala ring naging magandang relasyon si Emil sa kanyang yumaong inang si Chona Sandoval, isa ring aktres. At 15 ay nilayasan niya ang kanyang ina at ito’y lumipat sa kanyang pangangalaga ng kanyang ama kung kanino umano niya minana ang pagiging babaero. Pero bago pumanaw si Chona ay dumalaw si Emil sa kanyang ina at pag-alis niya ay saka umano ito sumakabilang-buhay.
“Parang ako lang ang hinintay niya (Chona),” ani Emil.
Si Chona ay kapatid ni Phillip Salvador at ng mga yumaong actor na sina Leroy Salvador, Jr., Ross Rival at Alona Alegre, Tess Salvador, among others.
Si Emil ay half-brother ng actor-comedian na si Bearwin Meily at filmmaker na si Mark Meily sa father side. He started his career in 1984 sa bakuran ng Regal Films at naging kapanabayan niya sina Benedict Aquino, Albert Anido, Nadia Montenegro, Janice de Belen at iba pa. He later became a sexy actor.
Kung kelan maganda na noon ang takbo ng career ni Emil ay saka ito nag-desisyon ng mag-relocate ng Amerika where he stayed for 13 years. Hanggang muli siyang nagdesisyon na bumalik ng Pipilinas at magbalik-showbiz.
Sa anim na anak ni Emil, he is closest to his daughter na si Kat na narito sa Pilipinas.
Given the chance, gusto ni Emil na maka-bonding ang iba pa niyang anak na nasa Amerika.
Kim at Jerald napakahusay sa bagong pelikula
SHOWING na ngayon ang romance-comedy-drama movie na “Un-Ex You” na pinagbibidahan ng engaged couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles na pinamahalaan ni RC de los Reyes under Viva Films and Studio Viva.
Although kilala sa pagiging singers, actors at comedians sina Kim at Jerald, kaya din pala nilang mag-drama tulad ng kanilang ipinamalas sa “Un-Ex You” na tinatampukan din ni Candy Pangilinan kasama Bob Jbeili, Marnie Lapus, Vladia Disuanco, Kyosu Guinto at iba pa.
Napaka-natural nina Kim at Jerald sa kanilang acting laluna kung silang dalawa ang magkasama.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.