Eva

Ang buhay ni Eva Darren

July 26, 2024 Aster Amoyo 482 views

Eva1Eva2SA aming panayam sa veteran actress na si Eva Darren for our online talk show, “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel ay inamin nito na ang kanyang panganay na anak na Dr. Fernando de la Pena ay anak niya sa yumaong character actor na si Paquito Diaz. Ito umano ang panganay na anak ng yumao habang may tatlo itong anak sa kanyang yumao na ring wife na si Nena Gutierrez-Diaz – sina Cheska, Joko at Joanna. Si Fernando ay isang dentista na naka-base sa Amerika. Bukod kay Fernando, si Eva ay may tatlo pang anak sa dalawang magkaibang guy. She has two boys and two girls. Never umano siyang nakasal sa sinuman sa mga lalaking naugnay sa kanya although inalok umano siya noon ni Paquito. Tinanggihan niya ito dahil kilala umano ito sa pagiging chickboy noong kabataan nito.

Hindi man sinuwerte si Eva (whose father is a Polish-American) sa larangan ng pag-ibig, masuwerte naman umano siya sa kanyang apat na anak na lahat ay nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

“Kahit hindi malaki ang talent fee ko noon sa pag-aartista ay naigapang ko ang aking mga kapatid at mga anak sa kanilang pag-aaral,” pagmamalaki niya.

Mag-isang anak si Eva ng kanyang ina sa kanyang nasirang ama although meron siyang tatlong kapatid sa father side at lima naman sa kanyang ina.

Sa tulong ng kanyang panganay na si Fernando na nasa Amerika, natunton nito ang mga kapatid (sa ama) ni Eva in Chicago, USA sometime in 2016 at sila’y nagkita-kita. Magkakasama rin nilang dinalaw ang puntod ng kanilang ama kung saan sila nag-alay ng bulaklak. Since nasa Amerika si Fernando, constant umano ang kanilang komunikasyon with his mother’s half-siblings – two boys and one girl. Ang isa rito ay sumakabilang-buhay na rin a couple of years after nilang magkita-kitang magkakapatid. Ang half-sister ni Eva na si Donna ay dumalaw na rin kay Fernando and his family in Los Angeles, California.

Never nasilayan ni Eva ang kanyang Polish-American father na isang US marine liban sa larawan na hawak-hawak ng kanyang ina.

It was the late director ng Sampaguita na si Jose de Villa ang nagbigay ng screen name kay Eva na Eva Darren when she was cast bilang extra sa pelikulang “Tulisan” nung 1962 kung saan tampok na mga bituing sina Susan Roces, Amalia Fuentes, Tito Galla, Greg Martin at iba pa.

Nakita umano siya ng comedy king na si Dolphy habang nanonood siya ng shooting sa loob ng Sampaguita compound at tinanong siya kung gusto niyang mag-artista na agad naman niyang sinang-ayunan. Maya-maya lamang aymay lumapit umanong mama sa kanya at kinuha ang kanyang pangalan at address. One month after ay nakatanggap umano siya ng call slip from Sampaguita Pictures para sa pelikulang “Tulisan” at binayaran siya ng P4.00 for a day’s shooting bilang extra. Ito na umano ang naging simula ng kanyang pagpasok sa showbiz.

Angelita de la Pena ang tunay na pangalan ni Eva gamit ang apelyido ng yumaong ina.

“Mag-isa rin kaming iginapang ng aming ina. Anim kaming magkakapatid,” anya.

“Pero nung kumikita na ako sa pag-aartista ko ay ako na ang sumusuporta sa pag-aaral ng mga kapatid ko,” kuwento pa ni Eva.

Although hindi siya taal na singer, pinag-aralan umano niyang kumanta and she would sing sa iba’t ibang lugar sa Claro M. Recto kung saan madalas nagsu-show ang maraming artista tulad ng Clover Theater, Luisa & Son at iba pa. Dumating pa sa point na nagsu-show siya sa Japan.

Taong 1970 nang masungkit ni Eva ang kanyang kauna-unanang acting trophy mula sa FAMAS bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang “Ang Pulubi” na pinagbidahan ni Charito Solis. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng isa pang Best Supporting Actress award mula naman sa Manila Film Festival nung 1969 She was nominated as Best Supporting Actress sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa 1998 movie na “Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin” na pinangunahan naman ni Rosanna Roces. Nakasama rin niya si Kris Aquino sa sine-seryeng “Patayin sa Sindak si Barbara” with Kris playing the title role in 2008. Memorable naman kay Eva ang hit TV series na “Pangako sa `Yo” nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales where she played the role ng adoptive mother ng character ni Kristine.

Taong 1963 nang maging bahagi si Eva ng kauna-unahang teleserye na black and white pa noon, ang “Hiwaga sa Bahay na Bato”. Thirty one years later nung 1994 ay nag-guest naman siya sa long-running and top-rating weekly drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” hosted by Charo Santos. Since then ay naging suki na umano siya ng MMK.

She also played lead roles sa mga pelikula noon nina Dolphy at Chiquito pero mas madalas umano ang supporting roles ang naibibigay sa kanya.

In her 62 years sa industriya ay wala umano siyang matinding intriga na pinagdaanan until itong nangyari sa kanya sa nakaraang FAMAS Awards where she was invited na maging co-presentor ni Tirso Cruz III para sa isang award.

She never felt humiliated in her entire career kundi sa FAMAS awards kamakailan lamang. Gayunpaman, natuto siyang patawarin ang may kagagawan nito pero hinding-hindi umano niya ito makakalimutan for as long as she lives gayundin ng kanyang mga anak at mga apo.

Ang kanyang US-based eldest son na si Fernando ang nag-post sa social media (Facebook) ng mga nangyari sa FAMAS matapos magsumbong sa kanya ang kanyang nakababatang kapatid na si Carmela.

“Awang-awa sa akin ang mga anak at mga apo ko sa nangyari. Pero okey na `yun. Move on na tayo lahat,” aniya.

Nakabawi naman si Eva nang siya’y parangalan ng Icon Award ng The Eddys Awards ng SPEEd, samahan ng mga entertainment editors ng Pilipinas.

Nagpapasalamat ang 78-year-old veteran actress na hanggang ngayon ay may nagtitiwala pa rin sa kanya na kunin ang kanyang serbisyo bilang actress.

“Acting is addicting,” deklara niya.

“Hangga’t meron pang nagtitiwala at kaya ko pa naman, hindi ako titigil dahil sa pamamagitan ng pag-arte ko binuhay ang apat kong anak, ang aking mga kayamanan,” pagtatapos niya.

Catch my full interview with Eva on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Ronnie, Jennylyn hindi rin nagkait ng tulong sa mga biktima ni Carina

RonnieJennylynAngelKUNG marami ang humanga sa Kapamilya actor and entrepreneur na si Gerald Anderson sa ipinakita nitong kabayanihan sa kasagsagan ng habagat at super typhoon Carina, hindi rin nagpabaya ang singer-actor, licensed pilot at army reservist na si Ronnie Liang sa pagtulong na kanyang sinimulan nung panahon ng pandemic.

Kahanga-hanga ang mga katulad nina Gerald at Ronnie na boluntaryong tumutulong sa oras na pangangailangan.

Samantala, marami rin ang humanga sa singer-actress at entrepreneur na si Jennylyn Mercado dahil agad itong nagpaabot ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo. Sa mga okasyon na ganito ay visible noon ang aktres na si Angel Locsin na sobrang tahimik ngayon at walang balita sa kanya.

Kumusta na kaya si Angel ngayon?

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE