Andrea

Andrea nanguna sa listahan ng 100 Most Beautiful Faces of 2024

December 28, 2024 Vinia Vivar 559 views

Bago matapos ang 2024 ay humabol pa si Andrea Brillantes ng isang malaking achievement for the year. Ang aktres ang nanguna sa listahan ng “The 100 Most Beautiful Faces of 2024” ng TC Candler na inilabas kahapon.

Sa YouTube channel ng TC Candler at sa iba pa nilang social media pages ay makikita ang kumpletong listahan ng 100 Most Beautiful Faces from all over the world at si Blythe ang no. 1.

Ilang minuto nga lang pagkatapos ilabas ng TC Candler ang list ay nag-no. 1 trending na ang aktres sa X (dating Twitter) at talaga namang sumabay siya sa kontrobersiya ng Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

Needless to say, tuwang-tuwa ang fans ni Blythe sa bagong milestone na ito ng ng kanilang idolo.

“This marks the second time in history that a Filipina has achieved this recognition. Liza Soberano has been crowned the Most Beautiful Face in twenty seventeen, and now we celebrate our Blythe for twenty twenty-four! Mabuhay Andrea! Mabuhay Filipinas!” pagmamalaki ng isang avid fan ni Andrea.

“Bat ako naiiyak sobrang deserve mo to Blythe!” sey naman ng isa pa.

“And she nailed it! Congratulations to Andrea Brillantes for being the top 1 on TC CANDLER 100 Most beautiful this year. SHE’S REALLY A QUEEN,” ang tweet naman ng isa pang tagahanga.

Taon-taon ay naglalabas ang TC Candler ng kanilang list ng 100 Most Beautiful Faces at 100 Most Handsome Faces.

“Over 50 countries are represented on the annual list. That number seems to go up every year as the public participation grows and expands.

This diversity relies heavily on public suggestions from almost every corner of the globe,” ang pahayag ng TC Candler.

“Aesthetic perfection is only one of the criteria. Grace, elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy, promise, hope… they are all embodied in a gorgeous face,” saad pa nito.

Pumapangalawa kay Andrea ang South Korean member ng girl group na BlackPink na si Jisoo at no. 3 naman ang chess player na si Andrea Botez.

Last year ay matatandaang ang South Korean singer at former member ng Momoland na si Nancy Jewel McDonnie ang nanalo sa nasabing annual list habang nasa no. 16 naman si Andrea.

Pasok pa rin naman si Nancy sa top 10 at nasa ikalimang pwesto siya this year.

Ito ang pangalawang taon na nakasama sa list si Blythe at nakakatuwa na on her second year ay siya na ang nanguna.

AUTHOR PROFILE