Andrea blooming, halatang naka-move on na

May 5, 2021 Eugene E. Asis 518 views

NAGDIWANG noong isang araw, May 4, ng kanyang 31st birthday ang Kapuso actress na si Andrea Torres at kapansin-pansin sa latest photos niya ang pagiging fresh at blooming.

Sa isang post, inihayag ni Andrea ang kaniyang pasasalamat para sa Panginoon at sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kaniya, “THANK YOU. Thank you, Lord… For reminding me of how much You love me. So many times I literally felt time stop, my jaw drop, in amazement. The most number of prayers answered. Miracles unfolding one after the other. I cannot praise You enough. Thank you, family and friends (who feel like family) You have given me so much of your time, effort, and care. I am surrounded by angels. Thank you to each and every one of you. You’re all a big part of this.”

Dagdag pa niya, tanging hiling niya ay ang patuloy na proteksyon, kalakasan, at happiness para sa lahat ng mahal niya sa buhay.

Halatang naka-move on na siya nang tuluyan sa nangyari sa kanila ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay. Sabi nga ng isang nagmamahal kay Andrea, mabuti na rin at maagang natapos ang kanilang relasyon. Baka raw mas magsisi pa si Andrea kung tumagal pa ito at saka nalaman ang malaking pagkakaiba nilang dalawa sa mga paniniwala sa buhay.

Samantala, magiging parte si Andrea ng upcoming cultural drama series ng GMA na ‘Legal Wives,’ kung saan makakasama niya sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, at Bianca Umali. Abangan ito, mga Kapuso!

Ai Ai at Snooky magkaiba ang pagiging ina sa #MPK

NGAYONG Sabado (May 8), tunghayan ang natatanging pagganap nina Ai Ai delas Alas at Snooky Serna bilang dalawang ina na susubukin ng isang rebeldeng anak sa episode ng ‘Magpakailanman’ na pinamagatang ‘Anak, Saan Kami Nagkamali?’

Dahil hindi kaya ni Mercy (Ai Ai) na alagaan ang mga anak ay ipinaampon niya sa kanyang hipag na si Lourdes (Snooky) ang isa sa mga ito, si Shirlyn (Jhoanna Marie Tan). Dahil matagal nang hangad ni Lourdes ang magkaroon ng anak na babae, ibinigay niya ang lahat para kay Shirlyn.

Nang malaman ni Shirlyn kina Lourdes at Mercy ang katotohanang ampon siya, nagbago ang kanyang ugali at naging rebelde. Inintindi siya ni Lourdes pero naging istrikto naman si Mercy. Lalong naging mahirap ang sitwasyon nang mabuntis si Shirlyn ng kanyang nobyong mahirap pakisamahan ang ugali.

Kahit magkaiba ng prinsipyo at disposisyon, naging takbuhan ni Shirlyn ang kanyang dalawang ina. Sa kabila ng kanilang mga payo, sumuko si Shirlyn at tinuldukan ang sariling buhay.

Mapapanood ang espesyal na pagganap nina Ai Ai at Snooky sa episode na pinamagatang “Anak, Saan Kami Nagkamali?” ngayong Sabado, May 8, 8pm sa #MPK, hosted by Mel Tiangco.

GMA Public Affairs may 15 million subscribers na sa YouTube

AYON sa datos, palakas nang palakas ang online presence ng digital powerhouse na GMA Public Affairs.

Kamakailan ay umabot na sa 15 million ang subscribers nito sa YouTube–isang taon lang mula nang tumanggap ito ng Diamond Play Button Award mula sa video sharing platform matapos nitong magkaroon ng 10 million subscribers.

Mapapanood sa nasabing YouTube channel ang previously aired episodes ng favorite Kapuso public affairs shows. Nangunguna na rito ang patok sa on-air at online na Kapuso Mo, Jessica Soho. Kasama rin dito ang episodes ng mga award-winning documentary show na iWitness, Brigada, at Reporter’s Notebook; ang mga well-loved public affairs show na Wish Ko Lang!, Tadhana, at Imbestigador; ang feel-good infotainment at lifestyle shows na Biyahe ni Drew, AHA!, at Pop Talk; pati na rin ang pioneering online newscast na Stand For Truth; at iba pa.

Subscribe to www.youtube.com/gmapublicaffairs.

AUTHOR PROFILE