Anak nina Claudine at Raymart pwedeng maging matinee idol

November 12, 2023 Aster Amoyo 182 views

Claudine1Claudine2NATUWA ang fans ng tinaguriang Optimum star na si Claudine Barretto nang malaman nila na may aabangan silang bagong teleserye ng kanilang idolo, ang “Lovers/Liars” na mapapanood na buwang ito on GMA. Ito’y pinamamahalaan ni Crisanto Aquino na magkatulong na sinulat nina Jose Javier Reyes at Noeen Capili.

Matagal-tagal ding panahong hindi napanood si Claudine sa isang teleserye na ang pinakahuling ginawa ay ang “Bakit Manipis ang Ulap” on TV5 nung 2016.

Nagsimula nang mag-taping si Claudine ng kanyang bagong TV series on GMA, ang “Lovers/Liars” kung saan niya kasama sina Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vasquez at Lianne Valentin.

Sinorpresa naman si Claudine ng kanyang mga anak na sina Sabina, Santino, Quia at Noah sa kanyang first taping day nung November 6, 2023 nang bigyan siya ng mga ito ng isang bouquet of flowers.

Si Santino ay biological son niya sa kanyang ex-husband, ang actor na si Raymart Santiago at adopted daughter naman nila si Sabina. Sina Quia at Noah ay parehong adopted children ni Claudine after her separation from Raymart.

The award-winning actress took home several acting awards for her movies “Milan” in 2005 (Best Actress – from Luna and FAMAS Awards) and “Nasaan Ka Man” in 2006 as Best Actress mula Sa FAMAS, FAF at Star Awards. On the same year ay pinarangalan din siyang Best Actress for her movie “Dubai” ng ika-55th Maria Clara Awards.

Nakapareha ni Claudine si Piolo Pascual sa pelikulang “Milan” na dinirek ni Olivia Lamasan under Star Cinema habang sa pelikulang “Nasaan Ka Man” na dinirek ni Cholo Laurel ay kapareha niya sina Jericho Rosales and Diether Ocampo habang sa “Dubai” ay leading men niya sina Aga Muhlach at John Lloyd Cruz na dinirek ni Rory Quintos under Star Cinema.

The best years ng karera ni Claudine ay nung nasa bakuran pa siya ng ABS-ABS-CBN.

Samantala, kung nanaisin na pumasok ng showbiz ng teen-age son nina Claudine at Raymart na si Santino ay puwede itong maging isang matinee idol pero mukhang wala rito ang attention ng teener.

Prodyuser malaki ang tiwala kay Melai

POSITIBO ang naging reaction ng mga nanood sa premiere night ng action-comedy movie ni Melai Cantiveros na “Ma’am Chief” na siyang first movie production ng Pulp Studios. Magbubukas ito sa mga sinehan ngayong Wednesday, November 15, Majority of the scenes in the movie ay kinunan sa magagandang scenic spots in South Korea na pamilya sa mga K-Drama at K-Movies.

Ang red carpet premiere night ay ginanap sa Cinema 8 ng SM Megamall at dinaluhan ng bumubuo ng cast (Filipinos and Koreans) na pinangunahan ni Melai kasama sina Alora Sasam, Karylle, Jennica Garcia at iba pa.

Inaasahan ding manonood ang mga K-Pop fans dahil makikita sa movie ang special participation and guest appearance ng ilang K-Pop stars at kasama na rito si Lee Seung-gi.

Kung pagbabasehan ang reaction ng mga nanood sa premiere showing ng “Ma’am Chielf,” inaasahan na papalo ang nasabing pelikula simula sa darating na Miyerkules.

Hindi pa man naipapalabas ang pelikulang pinagbibidahan ng misis ni Jason Francisco ay nag-iisip na ang mga prodyuser ng part 2 ng “Ma’am Chief” na pagbibidahan pa rin ni Melai.

Yeng at Yan ini-enjoy ang buhay na walang anak

YengSINGER-songwriter and performer Yeng Constantino and husband Victor `Yan’ Asuncion will celebrate their 9th year as a married couple. Ang mag-asawa ay ikinasal nung February 14, 2015 sa isang garden wedding in Tagaytay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibiyaan ang couple ng anak.

Yeng will celebrate her 35th birthday on December 4 at habang wala pa silang anak ay patuloy nilang ini-enjoy ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Ang “Pinoy Dream Academy” grand winner in 2006, singer-songwriter at hitmaker ay patuloy sa kanyang pagsusulat ng mga bagong kanta which has been her passion since she was young.

Unknown to many, si Yeng ay second cousin ng ex-PBB housemate-turned TV host na si Robi Domingo. She was also romantically linked sa Korean TV host-actor na si Ryan Bang nung 2010.

Pelikula ni Maricel at SRRE maganda ang playdate

RoderickMAGANDA ang movie playdate na November 29 dahil kasunod na araw nito ay holiday at malapit sa week-end kaya malamang na pumalo sa takilya ang dalawang local movies na palabas on this date, ang “In His Mother’s Eyes” ng 7K Entertainment kung saan tampok sina Maricel Soriano, LA Santos at Roderick Paulate at ang “Shake, Rattle & Roll Extreme” ng Regal Entertainment kung saan naman tampok na mga bituin sina Iza Calzado, Jane de Leon at marami pang iba.

Ang pelikulang “In His Mother’s Eyes” at “Shake, Rattle & Roll Extreme” ay sabay na palabas sa mga sinehan nationwide on November 29 at malalaman kung alin sa dalawang pelikula ang mas tatangkilikin ng mga manonood considering na magkaiba ang tema ng dalawang pelikula na parehong hindi pinalad na makapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Family drama ang “In His Mother’s Eyes” at horror-suspense-thriller naman ang “Shake, Rattle & Roll Extreme”.

Eric tinutupad ang pangako sa amang si Dolphy

EricSA 18 children ng namayapang Comedy King na si Dolphy, ang actor-director na si Eric Quizon ang kasalukuyang sumalo as `partriach’ sa kanyang 17 mga kapatid sa iba’t ibang ina laluna pagdating sa mga naiwang ari-arian ng kanyang late father.

Buhay pa noon si Dolphy ay pinagbilinan na niya si Eric na siya namang tinupad ng actor-director at head ng talent management company ng Net25, ang Star Center.

Hindi man madali ang task na iniwanan ng kanyang ama, ipinangako niya sa namayapang ama na hindi umano niya pababayan ang kanyang mga kapatid laluna pagdating sa pagmama-manage sa mga properties na iniwan sa kanila kasama ang Dolphyville in Calatagan, Batangas na ongoing ang development at kung saan itatayo ang Dolphy Museum.

Bukod sa pagiging head ng Star Center ng Net25, may dalawa ring comedy shows si Eric with her brothers Epy and Vandolph with Maricel Soriano, ang “1-4-3” at ang gag show na “Quizon Avenue” kung saan kasama niya ang kapatid na si Epy Quizon bilang director.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE