Default Thumbnail

Anak ni Gary V, isang taong naitago ang kasal

December 19, 2024 Aster Amoyo 339 views

ISANG taon ding naitago ng unica hija at princess ni `Mr. Pure Energy’ na si Gary Valenciano at misis nitong si Angeli Pangilinan-Valenciano na si Kiana Pangilinan Valenciano, ng kanyang pamilya at ng kanyang husband na si Sandro Tolentino and their respective friends, ang kanilang Filipino-themed private intimate wedding a year ago, December 14, 2023. Hinintay muna ng mag-asawang Kiana at Sandro na mag-celebrate sila ng kanilang first wedding anniversary bago nila ibahagi ang kanilang kasal. Nagpasalamat din ang couple sa kanilang respective families and friends na iginalang ang kanilang desisyon na huwag munang mag-post ng anuman tungkol sa kanilang wedding at lahat naman ay nag-cooperate.

The couple shared their wedding photos on their first wedding anniversary on Instagram only last December 14 at pagkatapos nito ay saka lamang nag-post ang parents ni Kiana na sina Gary V. at Angeli gayundin ang mga kaibigan ng bagong mag-asawa.

Si Sandro ang naging boyfriend ni Kiana after her split up with singer, actor, dancer, VJ and host na si Sam Concepcion nung 2018 na naka-relasyon niya sa loob ng halos tatlong taon.

During the wedding, hindi napigilan ni Gary V. ang maluha nang makita ang kanyang prinsesa na ikinakasal.

The celebrity couple are the only ones left sa kanilang malaking bahay in Antipolo dahil may kani-kanya nang buhay ang tatlo nilang anak na sina Paolo, Gab at Kiana. May dalawa na ring apo sina Gary V. and Angeli sa kanilang panganay na anak na si Paolo at misis nitong si Samantha Godinez na sina Nataleia `Leia’ Martine (8) at Luciano `Luch’ Michael (almost two years old) na siyang nagpapasaya sa kanila ngayon.

The couple’s second son na si Gab was married before to Tricia Centenera. The (former) couple got married twice in 2015 – sa Tagaytay at Boracay pero nagkahiwalay the following year (2016). He is currently in a relationship with another non-showbiz girl na si Thessa Cadiz.

Gab was linked before sa ilang showbiz personalities tulad nina Nikki Gil, Rachelle Anne Go, Carmen Soo, Isabel Oli and Coleen Garcia.

Si Gab ay sa Los Angeles, California, USA naka-base ngayon.

Ai Ai mga anak na lang ang pinaghuhugutan ng lakas

HALOS pareho ang kapalaran ngayon ng singers-actresses-comediennes na sina Ai-Ai de las Alas at Rufa Mae Quinto na nahiwalay sa kanilang mga mister bago magtapos ang taong kasalukuyan.

It was a good 7 years of marriage sa pagitan nina Ai-Ai and her (ex) husband na si Gerald Sibayan who is 30 years her junior. Inakala ng singer, actress-comedienne na panghabambuhay na ang kanilang pagsasama ng (dating) mister dahil masaya umano sila.

Since malaki ang agwat ng kanilang edad, halos si Ai-Ai ang naga-adjust sa kanyang batang mister and did everything to please him at kasama na rito ang documentation nito para makarating ito ng Amerika kung saan sila naka-base bago ang kanilang paghihiwalay .

Since narito ang trabaho ni Ai-Ai, nagpapabalik-balik siya ng America at Pilipinas habang si Gerald ay nakahanap na ng trabaho sa Amerika.

Pero laking gulat ni Ai-Ai, ng kanyang mga anak at mga kaibigan nang makipag-hiwalay si Gerald sa singer, actress-comedienne sa pamamagitan lamang ng text message habang ang huli ay nasa Pilipinas for work.

Hindi man lamang daw hinintay ni Gerald ang misis na makabalik ng Amerika at doon sila mag-usap nang masinsinan. Pagbalik ng Amerika ni Ai-Ai ay wala na sa kanilang bahay ang (dating) mister.

Ni hindi man lamang daw hinintay ni Gerald ang 60th birthday celebration ni Ai-Ai nung nakaraang November 11 at 7th wedding anniversary nila this month.

The singer, actress-comedienne was 49 at 20 naman si Gerald nang magsimula ang kanilang relasyon na nauwi sa kanilang engrandeng kasalan nung December 2017.

Bago si Gerald, si Ai-Ai ay nagkaroon ng tatlong failed relationships – first with her eldest son’s father na si Hernan Viola (deceased) na isang guitarist, second with her first (ex) husband, ang US-based singer-actor na si Miguel Vera with whom she has two children na sina Nicolo at Sofia at pangatlo naman si Jed Salang (20 years her senior) na kanyang pinakasalan in Las Vegas, Nevada nung 2013 pero pagkaraan ng isang buwan ay nauwi ito sa hiwalayan at divorce.

Pipilitin ni Ai-Ai na maging masaya ngayong Pasko at sa pagsapit ng Bagong Taon na gusto niyang salubungin na may bagong pag-asa and with positivity sa tulong ng kanyang mga anak na siya niyang pinaghuhugutan ng lakas.

Rufa Mae lusot na sa kaso pero lumabas ang balitang hiwalay na sa mister

TULAD ni Ai-Ai de las Alas, singer-actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto ay pabalik-balik din ng Amerika at Pilipinas dahil nasa Amerika ang kanyang mister na si Trevor Magallanes habang nasa Pilipinas naman ang trabaho ni Pichi (palayaw ni Rufa Mae).

Kamakailan lamang ay dumating sa Pilipinas si Rufa Mae para harapin ang iba niyang mga showbiz commitments at bumalik ito ng Amerika nung December 4, 2024 at kasunod na rito ang pagsambulat ng isang investment scam kung saan nadawit ang pangalan ng singer-comedian bilang celebrity endorser ng isang derma clinic na ginawa palang front ng may-ari. At kung kelan nasa gitna ng isang problema si Rufa Mae ay saka naman lumabas ang balitang hiwalay na ang mag-asawa na kinumpirma ng mister ng singer-actress-comedienne na si Trevor na nasa proseso na umano ang kanilang divorce.

Ang (dating) mag-asawa ay may 7-year-old beautiful daughter na si Alexandria Athena.

Sina Rufa Mae at Trevor ay nagkakilala sa Francisco, USA kung saan may sariling bahay ang singer-comedienne.

Tulad ni Ai-Ai de las Alas, nasa stage din si Rufa Mae ng moving on matapos itong mahiwalay sa asawa.

Lusot na rin siya pansamantala sa kasong kinasangkutan kaugnay ng diumano’y scam.

Paalam, Ed, at sa mga kuwento mo

GUSTO naming ipaabot ang aming taos pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng iniwan ng aming kaibigan at kasamahan sa panulat na si Ed de Leon na sumakabilang-buhay last Tuesday, November 17 matapos itong atakehin sa puso.

Sa simula pa lamang nang makilala namin si Edong (tawag namin sa kanya) na isa sa mga publicist noon ng Star for All Seasons na si Vilma Santos at ng megastar na si Sharon Cuneta, maraming information kaming nakukuha sa kanya na may kinalaman sa showbiz at ibang mga personalidad. He had a stock knowledge ng maraming bagay sa industriya which he readily shared sa kanyang mga kaibigan at mga kasamahan sa pagsuslat. He was like a walking encyclopedia ng showbiz. He knew it all.

To other people ay mukhang suplado si Edong dahil sa tema ng kanyang pagsusulat but he was a thoughtful and generous person sa kanyang mga kaibigan nung kalakasan pa niya.

Makailang beses na ring na-stroke si Edong in the past pero nakaka-recover siya pero naging fatal ang kanyang huling atake sa puso at hindi na siya naka-survive.

Kahit may iniinda na siya sa kanyang katawan, minabuti pa rin nitong mamuhay na mag-isa until the time of his death.

Tiyak na mami-miss ka namin, Edong laluna ang mahahabang oras nating chikahan.

Thanks for you gift – The Holy Bible.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE