Baron

Anak ni Baron kay Nadia matagal naitago

June 27, 2024 Aster Amoyo 108 views

MATAGAL na naming alam ang tungkol sa anak ng aktres na Nadia Montenegro sa actor na si Baron Geisler pero dahil kinu-consider naming anak-anakan ang actress, never namin itong isinulat sa aming column at ipinamalita sa iba. That is how we became protective laluna sa mag-inang Nadia and Sophia.

“Anak, when you’re ready to tell the world, I’m just here,” sabi pa namin noon kay Nadia.

All these years ay naging tahimik lamang kami sa isyu at never din kami nakisawsaw.

“Nay, I think, I don’t owe anyone an explanation,” aniya.

“Malinis ang konsensiya ko, wala akong itinago kay Boy (Asistio, her longtime partner) nung ito’y nabubuhay pa at wala rin akong itinago sa mga anak ko at alam kong napatawad na rin ako ng Diyos,” pahayag niya.

In our exclusive interview with actor Baron Geisler for our online show, “TicTALK with Aster Amoyo,” inamin nito sa amin na meron siyang dalawang anak sa magkaibang babae before she met his wife na si Jamie with whom she as another daughter pero never siyang nag-mention ng pangalan (to protect her daughters and their respective mothers).

Pero totoo ang kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag gaano man ito katagal na naitago. At least dumating ito sa panahong nasa tamang edad na si Sophia. She’s 18 now at napakagandang dilag. May mga nagsabi pa nga na carbon copy umano ito ng kanyang biological father.

Although nalaman ni Sophia ang totoo niyang ama, never umanong nagbago ang kanyang pagtingin sa kanyang kinagisnan at kinalakihang ama, ang yumaong si Boy Asistio na pagpakita sa kanya ng totoong pagmamahal ng isang ama. She was never treated na hindi siya anak nito. And being the youngest in the family, isa siya sa naging paborito ng kinagisnang ama at ito ang mga bagay na hinding-hindi kailanman makakalimutan ni Sophia na bitbit din ang apelyidong Asistio.

Ang panalangin lamang namin kay Nadia, her daughter Sofia at kay Baron na sana’y mabuo sa kanilang mga puso ang pagpapatawad and eventually ang pagiging magkakaibigan for their own peace of mind maging sa mga taong mahal nila.

Kyline at Kobe nahuling magka-holding hands

KobeKylineKyline1HINDI maikakaila na may relasyon na ang Kapuso young star na si Kyline Alcantara (21) sa celebrity bastketball player na si Kobe Paras (26) matapos mamataan ang dalawa na magka-holding hands sa isang parking lot in Bonifacio Global City in Taguig City last Thursday evening on their way sa kanilang sasakyan.

Ang dalawa ay nagmula sa magkahiwalay na relasyon. Si Kyline sa young actor na si Mavy Legaspi , anak ng celebrity couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi at si Kobe sa kanyang ex-girlfriend na si Erika Poturnak, anak ng aktres na si Ina Raymundo at Canadian husband nitong si Brian Poturnak. Si Kobe ay anak ng dati ring celebrity couple na sina Benjie Paras at dating aktres na si Jackie Forster.

Kyline and Kobe are sharing the same birthday month of September. Kyline is turning 22 on September 3 habang magtu-27 naman si Kobe sa darating na September 19.

Sen. Robin matagal nang gustong gawin ang life story ni Gringo

RobinRobin1Robin2HINDI ikinakaila ng action superstar-turned #1 senator during the 2022 Presidential elections na si Sen. Robin Padilla na as early as 1986 at the height ng EDSA People’s Power Revolution ay gustung-gusto na umano niyang makuha ang lifestory ng very popular noong military officer na si Col. Gregorio `Gringo’ Honasan para isapelikula with him portraying the bemedalled military officer.

Kung kelan hindi na umano inasahan ng action star at politician na magagawa at magagampanan pa niya ang biopic ng military officer-turned senator and cabinet secretary ay saka naman dumating sa kanya ang offer to portray the former military officer and politician’s life story sa pelikula.

Call it divine intervention and was really meant for him, sobrang nagulat si Sen. Robin nang kausapin siya ng dati ring politician, cabinet secretary at businessman na si Mike Defensor (isang malapit na kaibigan ni Sen. Gringo at ng Borracho Films producer na si Atty. Ferdie Topacio) kung puwedeng siya ang gumanap dito.

Tuwang-tuwa si Sen. Robin dahil matagal na umano niya itong inaasam gawin kahit nung wala pa umano siya sa larangan ng pulitika. Kung papalarin, ang megastar na si Sharon Cuneta ang gustong kunin ng Borracho Films to portray Mrs. Jane Umali-Honasan, the wife of Sen. Gringo Honasan at kung sasang-ayon ang misis ni dating Sen. Kiko Pangilinan, masaya si Sen. Robin dahil magiging reunion movie umano nila ito ng ng kanyang Maam Sharon after seven years. Ang dalawa ay huling nagsama sa pelikulang “Unexpectedly Yours”na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana under Star Cinema.

Filming of the celebrated biopic entitled “GRINGO: The Gregorio Honasan Story” starts this July sa magkatulong na direction nina Lester Dimaranan at Abdel Langit with the Palanca award-winning writer Eric Ramos writing the script. Si Juvz Tesalona ang tatayong line producer with Aurel Ayson as assistant director habang si Dennis Arce naman ang casting manager.

During the formal announcement ng pelikula kung saan present sina Sen. Robin Padilla, former Sen. Gringo Honasan, former Cabinet Sec. Mike Defensor, writer Eric Ramos at movie directors na sina Lester Dimaranan at Abdel Langit, hindi nakadalo ang controversial lawyer and movie producer ng Borracho Films na si Atty. Topacio who was on a business trip in Hong Kong but was able to join the major announcement of the project via Zoom.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE