Cris

‘American Dream,’ sagot ng Fil-Am immigration lawyer

July 25, 2023 Ian F. Fariñas 485 views

MAY malalapitan na ang mga Pinoy, artista man o hindi, na nagnanais mag-migrate sa Amerika para tuparin ang kanilang “American Dream.”

Maaari silang makipag-ugnayan sa Fil-Am immigration lawyer na si Atty. Marlene Gonzalez na naka-base sa US.

Twenty-six years na sa nasabing larangan si Atty. Marlene na kasalukuyang may opisina sa Salt Lake City, Utah.

Nagbukas din siya ng bagong opisina sa Phoenix, Arizona kamakailan sa ilalim ng pangalang US Journey Immigration Services.

Ang grupo niya ay binubuo ng paralegals at legal assistants na pawang immigrants mula Mexico, Nicaragua, Pilipinas at Venezuela.

Hindi na nga mabilang ang mga natulungan nilang kliyente — Portuguese man Spanish o Tagalog bukod pa sa English.

Ang opisina ni Atty. Marlene ay laging handa para magbigay ng propesyonal at de-kalidad na serbisyong legal tulad ng geen card na nakabatay sa pamilya, kasal, sa trabaho (EB-3 para sa mga nurse at iba pang manggagawa — sanay at hindi sanay), naturalisasyon, visa sa mamumuhunan (E-2, EB-5), affirmative asylum, U visa para sa mga biktima ng marahas o malubhang krimen, VAWA self-petitions para sa mga asawa, anak at mga magulang ng mapang-abusong mamamayan ng US o mga batas na permanenteng residente, visa ng mag-aaral, pagbabago o extension ng katayuan, TN visa para sa mga Canadian at Mexican, atbp.

AUTHOR PROFILE