Alex Alex Calleja at Atty. Howard Calleja

Alex kinunsulta ang pinsang abogado

February 26, 2025 Eugene E. Asis 123 views
JR
JR de Guzman

PARA sa stand up comedian na si Alex Calleja, hindi nakatatawa na pagbintangan ang isang tao na nagnakaw ng ideya.

Ayon sa nag- akusa, tila hango sa isa niyang skit na sinulat ang “carwash joke” ni Alex sa kanyang Netflix special na nag-number one sa naturang streaming platform.

Maging ang sikat na Fil-Am stand up comedian na si JR de Guzman ay minsang pinahanga ni Alex

Ayon kay Alex, lihis sa tama ang sabihan siya na “nagnakaw” ng material.

“Puwede namang ‘Uy may similarity tayo,’ puwede namang in a nice way, puwede kayong mag-usap. Pero mahirap ang nakaw kasi hindi natin alam kung sino talaga ang nagsimula (pinagmulan ng joke),” paliwanag pa ng dating writer sa “It’s Showtime.”

Humingi na ng paumanhin ang comedy writer na si Chito Francisco na nag-akusa ng pagnanakaw ng materyal o piyesa kay Alex at tinanggap naman ito ng komedyante. Pero nagbabala siya na may kaakibat itong cyber libel mula sa kanyang abogado.

“Sa mundo po ng comedy writing, kapag may kaparehas o parallel joke ka sa isang comedian, may disenteng paraan po para magsabi ng parehas kayo.

“Ang tawag po dun ay pribadong usapan tulad ng cellphone at chat. Lahat po ay pwedeng pag-usapan ng pribado at hindi dinadaan sa social media.

“Hindi ko po alam ang intensyon para sabihan ako na ‘nagnakaw ng jokes’ pero ang nasa isip ko na lang ay ang kasabihang ‘ang punong hitik sa bunga ay binabato.’ O, hindi po ako ang original niyan,” sabi ni Alex sa isang naunang post.

“Anyway, ingat po tayo sa salitang nakaw. May cyber libel po tayo at hindi ‘yun joke. Remember, I have a friend and a cousin,” ani Alex sa nauna niyang pahayag na ang tinutukoy ay ang kilalang abogadong si Howard Calleja.

Narito naman ang public apology ni Francisco: “What I said was wrong, and I would like to minimize the extent of the damage already suffered by Alex caused by my negligence to the best that I can.

“I know what I had said has civil and criminal implications and penalties, which I hope in writing this public apology and posting it, can show my remorse and (acknowledgment) of my irresponsible act against Alex.”

AUTHOR PROFILE