Alden

Alden nasa Amerika para sa isang concert tour

September 5, 2022 Aster Amoyo 358 views

Alden1

KASALUKUYANG nasa Amerika ang prized singer-actor ng Kapuso Network na si Alden Richards for his four-city concert tour na pinamagatang “ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.” na kanyang sinimulan sa San Mateo, California nung nakaraang Sabado, September 3 and last Sunday, September sa Valley Center.

Sa darating na September 10 (Saturday) ay mapapanood siya in Chicago, Illinois na susundan ng Jacksonville, Florida on September 11 (Sunday) at pagkatapos nito ay agad siyang babalik ng Pilipinas para sa taping ng kanyang bagong serye, ang local adaptation ng K-drama series na “Start-Up” kung saan niya katambal for the very first time si Bea Alonzo. Tampok din sa nasabing serye na pinamagatang “Start-Up.PH” sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales kasama sina Gina Alajar, Kim Domingo, Royce Cabrera, Boy2 Quizon, Ayen Munji-Laurel, Jackie Lou Blanco, Nino Muhlach, Lovely Rivero, Kevin Santos, Jojo Alejar, Bernadette Allyson at Rowell Santiago. Ito’y magkatulong na pinamamahalaan nina Dominic Zapata at dating Kapamilya director na si Jerry Sineneng.

Mapapanood na ngayong September ang “Start-Up PH”.

Dahil sa pagiging busy ni Alden, bihira na itong mapanood sa noontime program na “Eat Bulaga” kung saan nabuo ang kanilang tambalan ni Maine Mendoza sa pamamagitan ng “Kalye Serye”.

Maine is now engaged (to be married) sa kanyang fiancé, ang actor-politician na si Arjo Atayde habang si Alden is just vying his time na magkaroon ng ng bagong girlfriend.

Si Alden ay na-link noon kina Louise de los Reyes at Sam Pinto na may asawa’t anak na ngayon.

AiaiAiai1

Anak ni Ai Ai ikinasal sa Amerika

IKINASAL na si Sophia Andrea, ang bunsong anak at kaisa-isang babae ng singer, actress-comedienne at entrepreneur na si Ai-Ai de las Alas sa fiance ng una na si Vincent Bautista nung nakaraang August 29 (Monday) sa Albertson Chapel in Los Angeles, California, USA.

Si Sophia ay anak ni Ai Ai sa ex-husband, ang singer na si Miguel Vera.

Ang intimate wedding ay dinaluhan ng immediate family members from both Ai-Ai and Miguel’s side.

Ang second child at first son ng singer, actress-comedian kay Miguel na si Nicolo ay naroon din kasama ang kanyang girlfriend na si Tiffany. Naroon din ang present wife ni Miguel na si Priscilla at anak nitong si Miggy (from a previous relationship) at ilang malalapit na kaibigan.

Ang reception ay ginanap sa Din Tai Fung in Century City.

Ang mga anak ni Ai-Ai (kay Miguel) na sina Nicolo at Sophia ang dahilan kung bakit pabalik-balik ng Amerika ang singer, actress-comedian kasama ang kanyang mister na si Gerald Sibayan.

Ang panganay ni Ai-Ai na si Sancho de las Alas ay anak niya sa yumaong stage actor na si Rey Malte Cruz.

Samantala, kamakailan lamang ay muling lumagda ng kontrata si Ai-Ai sa Kapuso network.

Gina

Gina inilahad ang karanasan bilang teenage mom

HINDI ikinakaila ng veteran award-winning actress at TV director na si Gina Alajar na isa rin siyang fanatic ng K-movies and K-drama stars at kabisado niya ang mga pangalan ng mga lead actors and actresses tulad nina Hyun Bin, Bong Yoo at marami pang iba.

Kapag wala umano siyang trabaho bilang actress at director, nasa bahay lamang umano siya at pinapanood ang kanyang mga paboritong K-movies at K-dramas na lahat available on streaming app bukod pa sa Netflix .

Ang panonood ng mga K-movies at K-dramas ang siyang stress reliever ni Gina sa kanyang trabaho at marami rin umano siyang natutunan in terms of acting at directions ng mga programang kanyang pinapanood.

Samantala, inamin ng actress-director na si Gina that she was a teen-age mom nang kanyang isilang ang panganay na anak (sa kanyang ex-husband, ang veteran actor na si Michael de Mesa) na si Ryan Eigenmann.

Ang ama ni Michael, ang dating Sampaguita matinee idol, ang veteran singer-actor-turned preacher na si Eddie Mesa umano ang nag-desisyon na magpakasal ang dalawa kahit mga bata pa dahil may anak na sila.

Dahil mga bata pa pareho sina Gina at Michael at biglaan ang kanilang pagpapakasal, hindi umano nila ito napaghandaan. Wala rin umano silang wedding photo sa kanilang kasal.

Nauwi man sa hiwalayan ang pagsasama bilang mag-asawa nina Gina at Michael, blessing namang maituturing ni Gina ang pagkakaroon niya ng tatlong anak at apo na apo na siya umano niyang inspirasyon sa kanyang trabaho.

Since may kani-kanyang pamilya na sina Ryan, Geoff and AJ with the latter now based in the US with his own family, ang actress-director na rin mismo ang naghu-host ng isang trip kung saan kasama niya ang kanyang tatlong anak, their respective wives at mga apo. This way, nagba-bonding ang magkakapatid, their in-laws at ang magpipinsan niyang mga apo at kumpleto ang kanyang pamilya sans her ex-husband na si Michael na may bago nang misis na si Julie Reyes-Eigenmann.

Gina was eight years old nang siya’y mag-audition para sa pelikulang “Kaibigan Kong Sto. Nino” ng Lea Productions in 1967.

Out of 1,500 na nag-audition na mga bata, isa si Gina sa pinalad na matanggap kasama si Roderick Paulate na nauna sa kanyang mag-artista.

In 1968, she was signed-up by Sampaguita Pictures to a 16-picture contract at first movie niya ang “Donata” where she played the young Gina Pareno.

Ang kanyang 16-picture contract ay hindi na natapos dahil sa pagkamatay ng producer ng Sampaguita Pictures na si Doc Perez.

She was already in her teens nang maging bahagi siya ng dating programa sa radio at telebisyon ni Ike Lozada, ang “Big Ike’s Happening” kung saan nagsimula ang loveteam nila ni Michael de Mesa.

“Actually, wala naman talagang loveteam. Si Kuya Ike lang ang may gusto na sinakyan naman ng PR ng Sampaguita at mga fans,” pagbabalik-tanaw ni Gina.

“On my birthday, dumating si Michael na may kasamang photographer at nag-cover din kami sa mga fan magazines. Since pinagpapareha kami at madalas kaming magkasama sa mga show, na-develop kaming dalawa,” pag-amin pa ng actress-director

Tumagal din ng 23 years ang pagsasama nina Gina at Michael nang sila’y magkahiwalay at may kinalaman dito ang insecurity ng isa sa partido.

Pansamantala mang tumigil si Gina sa kanyang showbiz career dahil sa kanyang tatlong beses na pagbubuntis sa kanyang mga anak, she’s lucky dahil madali siyang nakabalik.

Ilan sa mga pelikulang nakatatak kay Gina ay ang”Salome,” “Brutal,” “Playgirl,” “Mulanay” at marami pang iba.

Wala man siyang formal background sa pagdi-direk, naka-apat na session umano siya sa yumaong filmmaker na si Marilou Diaz-Abaya and had a chance to work with the late great directors na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Maryo J. de Los Reyes, Marilou Diaz-Abaya, Gil Portes at iba pa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE