Miel

Pamilya nina Sharon at Kiko, kumpleto sa debut ni Miel

September 4, 2022 Ian F. Fariñas 559 views

TINUPAD ni KC Concepcion ang pangakong uuwi ng ’Pinas para dumalo sa 18th birthday celebration ng half-sister niyang si Miel Pangilinan.

Kumpleto nga ang pamilya nina Sharon Cuneta at dating Sen. Kiko Pangilinan sa espesyal na okasyong ginanap sa The Blue Leaf Events Pavilion Sabado ng gabi.

Matatandaang ilang panahon na ring nasa Amerika si KC para sa shooting ng kanyang first Hollywood movie na Asian Persuasion.

Kaya larawan ng isang buo at masayang pamilya ang naglipanang litrato mula sa debut kung saan makikita pang magkatabi at parehong nakangiti sina KC at Kiko na naging isyu ang hindi

pagtawag ni KC ng “daddy” sa former senator nang batiin niya ito ng happy birthday kamakailan.

AUTHOR PROFILE