Alden

Alden nakipag-collaborate sa Viva

March 28, 2025 Aster Amoyo 242 views

Alden1Alden2ANOTHER milestone for Kapuso prized actor na si Alden Richards ang pagpasok niya sa co-venture partnership with Viva Group of Companies na pinamumunuan ng Chairman and CEO na si Boss Vic del Rosario, jr. and his company’s Myriad Entertainment.

With his new partnership with Viva, lalong lumawak ang direction ng kanyang kumpanya (Myriad Entertainment) in terms of movie co-productions, live concert co-productions, recording maging sa kanyang restaurant business, ang Concha’s, the Garden Café.

Sa bagong kasunduan ng Viva Group of Companies and Myriad Entertainment na kanilang nilagdaan last Thursday afternoon, March 27 (sa tanggapan ng Viva), Alden’s Myriad Entertainment will co-produce with Viva at least two movies a year na kanilang sisimulan sa dalawang movie projects this year, ang “000,” a Netflix film at ang Filipino adaptation ng Thai supernatural film, ang “Pee-Mak” na pagtatambalan nina Alden at Julia Barretto.

Bukod sa pelikula, Myriad will also co-produce live events with Viva Live at kasama na rito ang 4th major solo concert ni Alden at iba pang co-productions na tatampukan naman ng Viva’s elite roster of performers from Viva Records. Labas pa rito ang kanyang pagkakaroon ng bagong album na co-production din ng Viva Records and Myriad Entertainment.

Pagdating naman sa Viva Foods, ang Viva ang may tangan sa Pilipinas ng iba’t ibang food franchise mula sa ibang bansa tulad ng Botejyu, Wing Zone, Paper Moon, Pepi Cubano. Yogorino, Greyhound Café at iba pa. Kasama sa kasunduan ang pagkakaroon ng iba’t ibang branches ng Concha’s, Garden Café.

Sobrang na-excite si Alden at big bosses ng Viva sa bago nilang business partnership lalupa sa part ng singer-actor, celebrity endorser and entrepreneur dahil mas maraming magagandang opportunities ang nagbukas para sa kanya dahil sa kanyang pakikipag-alyansa with Viva.

Hindi naman kaya kasunod na rito ang paglagda ng management contract ni Alden with Viva Artists Agency?

Arjo nagpahayag ng mga nagawa

ArjoArjo1AWARD-winning actor and Quezon City 1st district representative Arjo Atayde is again running for his 2nd term sa darating na mid-term elections na nakatakdang ganapin sa darating na May 12, 2025.

Sa ginanap na State of the District Address (SODA) ng actor-politician na sa Skydome ng SM North EDSA nung nakaraang Lunes, March 24, kasama sa kanyang ibinahagi ang mahigit 400,000 individuals na direktang nakinabang sa kanyang signature “Aksyon Agad” programs magmula nang siya’y maupo sa office nung 2022.

“Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakaturapan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mamamayan,” pahayag ni Cong. Arjo.

Ibinahagi rin niya ang detalye ng epekto ng mga initiatives na isinagawa ng kanyang tanggapan pagdating sa employment, education, heath, youth development, disaster response and insfrastructure.

Sa kanyang talumpati, he emphasized that “Projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at bawat pamilyang naiangat,” dugtong pa niya.

Kasama sa mga key accomplishments ni Cong Arjo ang 11,498 workers na natulungan sa pamamagitan ng TUPAD emergency employment program. One thousand five hundred applicants na konektado sa overseas jobs through the Taiwan Job Fair, 1,100 residents trained under TESDA at iba pang livelihood initiatives, 245 small entrepreneurs na natulungan with P15,000 in capital sa pamamagitan ng Sustainable Liveliehood Program, 60 dialysis patients araw-araw ang nakakatanggap ng libreng treatment, 75,466 na tao ang natulungan ng medical assistance, 4,598 na estudyante ang nakaranggap ng CHED educational aid at 1,410 scholars na nasuportahan sa ilalim na Tulong Dunong at SMART; 132,567 na pamilya ang natulungan sa Rice Distribution Program; 65,300 na mga residente ang nakatanggap ng libreng pagkain sa pamamagitan ng Kusina on Wheels Program; 64,000 na pamilya ang nabigyan ng Pamaskong Handog nung nakaraang holiday season; 7,789 ang pamilya na naging biktima ng sunog ang nabigyan ng assistance at 3,501 families naman ang nabigyan ng burial assistance habang 40,684 na tao naman ang natulungan ng financial assistance sa iba’t ibang pangangailangan.

Ayon sa batang kongresista, “Sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinigurado nating walang nasasayang – lahat ay napupunta sa programang direktang makakatulong sa inyo!,” pahayag pa niya.

“Public service is not about grand gestures or sweet words -ito ay ang mabilis, epektibo at tunay na pagtugon sa pangangailangan ng tao,” patuloy niya.

Sa pagtatapos ni Cong. Arjo, pinasalamatan niya ang kanyang wife na si Maine Mendoza-Atayde, ang kanyang pamilya dahil sa kanilang suporta lalung-lalo na sa kanyang mga constituents at ipinangako niya na hinding-hindi umano niya babalewalain ang tiwala na kanilang ibinigay sa kanya.

Ang tunay na kamag-anak ni Chanda

RomeroRomero1MAGKAKAMAG-ANAK ba sina Chanda Romero at ang namayapang movie queen and icon na si Gloria Romero?

“Hindi,” ani Chanda nang ito’y aming makapanayam for our online show, “TicTALK with Aster Amoyo.

Ang tunay na apelyido ni Gloria ay Galla at kapatid niya ang yumao na ring actor na si Tito Galla.

The late megman na si Eddie Romero was Chanda’s uncle.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon for notification. Follow me on Instagram and Facebook@astermaoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE