Aljur

AJ, binatikos sa pag-amin sa relasyon nila ni Aljur

February 15, 2023 Vinia Vivar 346 views

MATAPOS aminin ni AJ Raval sa Instagram post ang relasyon nila ni Aljur Abrenica na itinapat niya sa Araw ng mga Puso, makikita ang reaction ng aktor na isang simpleng “heart emoji” sa comment section.

Inulan ng reaksyon at komento mula sa netizens ang post ni AJ.

Mayroong masaya para sa kanya pero mas marami ang nalulungkot at nagagalit because of the fact na pumatol siya sa may-asawa.

As we all know ay kasal pa rin si Aljur kay Kylie Padilla although hiwalay na nga sila.

“Aj, nakakalungkot. You are now declaring urself as ‘the other woman’. Legally, Kylie and Aljur are still married, binded by vows. Sana magiging matatag ka when consequences come,” komento ng isang netizen.

“AWS Sabi nya Hindi daw sya kabit at Hindi sya naninira ng pamilya ahahahaha kaloka ka gurl tapos ngaun mag post ka ng ganyan eh ano tawag mo Jan? legal kabit? hahahaha,” sey naman ng isang netizen.

Matatandaang panay ang deny noon ni AJ sa tuwing tatanungin kung may relasyon sila ni Aljur.

Napabalita ring nabuntis siya ng aktor at nanganak na pero itinanggi rin niya ito.

‘MARIA CLARA…’ IN-EXTEND

Isang malaki at magandang sorpresa ang inanunsyong extended pa ng isang linggo ang award-winning historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Lalo tuloy nasabik ang Kapuso viewers sa mga pasabog at matitinding eksena sa mga susunod na episode ng programa.

Marami rin ang naghihintay sa nakakaantig at kilig moments nina Klay at Fidel.

Nag-uumapaw ang tuwa ng netizens sa magandang balita na ito.

Say ng isang avid fan, “So happy! Napatili ako nung nalaman kong extended. ‘Yung anak ko naman nalulungkot nung sinabi kong matatapos na yung palabas. Favorite na favorite niya ito.”

May kanya-kanya na ring haka-haka ang fans sa mangyayari sa huling linggo ng palabas.

“‘Yung one week po na ‘yun about na sa FiLay kasi ‘yun ‘yung request ng FiLay fans (tulad ko). Dininig lang nila kami,” komento ng isang fan sa Facebook page ng GMA News.

Magkakatotoo kaya ang hiling ng fans at ano ang kapalarang naghihintay sa mga natitirang karakter sa mundo ng El Filibusterismo?

‘Yan ang dapat abangan sa Maria Clara at Ibarra tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

AUTHOR PROFILE